Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sister Fox mananatili sa bansa
Sister Fox mananatili sa bansa

Sister Fox mananatili sa bansa

IGINAGALANG ng Palasyo ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na kumatig sa petisyon ni Sister Pa­tricia Fox na manatili sa bansa.

“We respect the resolution by the DOJ secretary,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Gue­varra, binaliktad niya ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na i-downgrade ang mis­sionary visa ni Sister Fox sa tourist visa.

READ MORE:  Pakiusap ni Mayor Tiangco: Magpaputok sa tamang lugar

Paliwanag ni Guevar­ra, hindi kasama sa kapangyarihan ng BI ang forfeiture ng visa.

“Our existing immi­gration laws outline what the BI can do to foreigners and their papers—in­cluding visas—when they commit certain acts within Philippine territory. What the BI did in this case is beyond what the law provides, that is why it has to be struck down,” ani Guevarra.

READ MORE:  P3-M alahas natangay ng Dugo-dugo sa Cainta

Hindi aniya puwe­deng basta bawiin ang isang visa nang walang legal na basehan kaya inatasan ang BI na magsagawa ng pagdinig sa kaso ng visa cancel­lation at deportation case.

READ MORE:  Ospital na tatanggi sa buntis kakasuhan

Noong Abril ay dina­kip si Fox sa kanyang bahay sa Quezon City sa bisa ng mission order na nilagdaan ni Commis­sioner Jaime Morente dahil sa paglahok ng madre sa mga kilos-pro­testa sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved