Wednesday , August 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte, Simbahan nag-usap na
Duterte, Simbahan nag-usap na

Duterte, Simbahan nag-usap na

TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Duter­te si Bishop Sofronio Bancud noong 14 Hunyo upang makiramay at tiyakin na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Fr. Richmond Nilo.

“Tinawagan namin si Bishop Sofronio Bancud at personal silang nagkausap ng Pangulo. Ipinarating ng Pangulo ang pakikiramay sa yumaong pari at ini-assure na mabibigyan ng hustisya,” sabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa press conference sa General Natividad, Nueva Ecija kahapon.

READ MORE:  Comelec handa sa galit ng late registrants

Ayon kay Go, maging si Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) president Arch­bishop Romulo Valles ay kinausap din ng Pangulo upang bigyan ng update sa kaso ni Fr. Nilo at inihayag ang kanyang pagkondena sa pagpas­lang sa mga pari sa bansa.

READ MORE:  Driver/bodyguard, yaya patay, among chinese kritikal sa ambush (5-anyos sugatan)

Sinabi ni Go, inatasan niya si National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran upang tutukan ang pag-s­isiyasat sa pagpatay kay Fr. Richmond.

Napaulat na ang dinakip ng mga pulis na suspek na bumaril kay Fr. Richmond na si Adel Roll Milan ay isang “fall guy.”

Nang usisain sa mga pagbatikos ng Pangulo sa Simbahang Katolika at mga pari, ipinaliwanag ni Go na wala nang narinig sa Pangulo sa nakalipas na mga araw.

READ MORE:  Vice mayor sa Cagayan patay sa ambush

Matatandaan noong Huwebes, 14 Hunyo ay si­nabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bukas si Pangulong Du­terte sa pakikipag-dialogo sa Simbahang Ka­tolika sa kabila nang ma­aanghang na pag­batikos niya sa ilang mga pari.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved