Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 5 Pinoy movie, pasok sa 21st Shanghai Int’l. Filmfest
5 Pinoy movie, pasok sa 21st Shanghai Int’l. Filmfest

5 Pinoy movie, pasok sa 21st Shanghai Int’l. Filmfest

LIMANG pelikulang Filipino ang makikipagkompitensiya at ipalalabas sa 21st Shanghai International Film Festival (SIFF) sa China na nagsimula noong Hunyo 16.

Ang SIFF ay isa sa pinakamalaking festivals sa Asya na itinanghal na rin ang mga Filipino movies at noong 2017 ay ibinigay ang pinakamataas na award na Golden Goblet sa pelikulang Pauwi Na na idinirehe ni Paolo Villaluna.

Sa taong ito, dalawang pelikula naman ang makikipagkompitensiya sa Asian New Talent, ang Respeto atNervous Translation. 

Ang mga pelikulang nabanggit ay nakakuha ng nominasyon sa mga sumusunod na kategorya.

READ MORE:  Mga Kabalen ni Allen, dumagsa sa Robinson’s Balibago para sa Area

Best Cinematographer—Dennese Victoria, Jippy Pascua ng Nervous Translation; Best Scriptwriter—Shireen SenoNervous Translation;  Best Director—Treb Monteras IIRespeto; Best Actor—AbraRespeto; at Best Actress—Jana AgoncilloNervous Translation.

Sa Panorama Section, ang Smaller and Smaller Circles ni Raya Martin at I’m Drunk, I Love You ni JP Habac ang ipalalabas. Si Martin ay miyembro rin ng Jury para sa Asian New Talent ngayong taon.

READ MORE:  Fans ni Daniel na gustong manood ng Dos concert, nag-aaway-away (Dahil ubos na at wala nang mabiling tiket…)

Kabilang naman sa itatampok na pelikula ang Neomanila ni Mikhail Red sa The Belt and Road Film Week. 

“It’s always thrilling to learn that these films continue to go around the world as proudly showcased in international film festivals. We wish our Filipino films the best of luck in SIFF,” pahayag ni FDCP Chairperson at CEO na si Liza Diño.

Si Chairperson Diño mismo ay makikilahok sa SIFF bilang speaker sa High Level Forum on the Cultural and Economic Importance of Film and the Role of Copyright na hosted ng World IP Organization mula Hunyo 19-20.

READ MORE:  General Emilio Aguinaldo, palabas uli

Samantala, ang QCinema Festival Director na si Ed Lejano naman ay magiging bahagi ng The Belt and Road Summit para talakayin ang pagpapabuti ng kooperasyon sa pamamagitan ng festival programming.

Ang 21st Shanghai International Film Festival sa China ay tatakbo hanggang Hunyo 25, 2018.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved