Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P5-M shabu nasabat

P5-M shabu nasabat

UMAABOT sa P5-M milyon halaga ng hinihi­nalang shabu ang nasabat sa buy-bust operation at dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado sa Brgy. Greater Lagro sa Quezon City, nitong Sabado.

Kinilala ni Quezon City Police District direc­tor, C/Supt. Joselito Es­qu­i­vel Jr. ang mga suspek na sina Martin Morales, 21-anyos at pinsan niyang si Paulo Morales, 18-anyos.

ARESTADO ang magpinsan na sina Paulo Morales at Martin Morales makaraan makompiskahan ng P5 milyong halaga ng hini-hinalang shabu at isang .38 kalibreng baril sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU-PS5 ng QCPD sa Camaro St., Brgy. Greater Lagro, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Habang nakatakas ang tatlo pang mga sus­pek lulan ng isang puting van.

READ MORE:  Gobyerno ‘bato’ sa lahat ng price hike
READ MORE:  Kelot tigbak sa saksak (Dyowa ng iba kinursunada)

Inihayag ni Supt. Benjamin Gabriel, hepe ng Fairview Police Station, agad inaresto ang dalawa makaraan tanggapin ang P75,000 halaga ng buy-bust money.

READ MORE:  Iloilo CAAP personnel nagsoli ng P1-M

Nakuha sa mga suspek ang 10 malalaking sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 100 gramo ang bawat isa. Nakuha rin ang isang .38 kalibreng baril.

Isasailalim sa pagsu­suri ng Philippine Nation­al Police crime laboratory ang nakuhang mga ebi­densiya.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved