Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris Aquino, balik-ABS-CBN!
Kris Aquino, balik-ABS-CBN!

Kris Aquino, balik-ABS-CBN!

NGAYONG gabi muling tutuntong si Kris Aquino para dumalo sa presscon ng pelikula nila nina Joshua Garciaat Julia Barretto na I Love You, Hater sa Dolphy Theater.

Tatlong taon na ang nakalipas noong huling dumalo ang Queen of All Media ng presscon ng pelikulang kasama siya, ang All You Need is Pag-Ibig mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone produced ng Star Cinema kasama sina Derek Ramsay, Ian Veneracion, Xian Lim, Jodi Sta. Maria, at Pokwang.

Nakatitiyak kami na ang unang itatanong kay Kris sa Q and A ay kung ano ang pakiramdam niya na muli siyang tumuntong ng ABS-CBN para sa presscon ng pelikula at sigurado kami na ang isasagot niya ay, ”I’m grateful for this chance.”

Anyway, kahit na baba’t taas ang blood pressure ni Kris sa shooting ng I Love You, Hater ay sinisipot niya ito dahil kailangan at alam niyang may obligasyon siyang dapat tuparin lalo’t sa Hulyo 11 na ang showing ng pelikula na dapat sana ay nitong Hunyo 13 ipalalabas.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top