Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot tigbak sa tarak
Kelot tigbak sa tarak

Kelot tigbak sa tarak

PATAY ang 20-anyos lalaki makaraan sak­sakin ng isang cons­truction worker habang naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan upang sunduin ang kanyang girlfriend sa Caloocan City, kama­kalawa.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si kinilalang si Paulo Dela Torre, residente sa Robes 1, Area 1, Camarin, Brgy. 175, sanhi ng saksak sa likod.

Habang pinag­ha­hanap ang suspek na kinilalang si Darwin Cortez, 23, nakatira sa Pabahay 2000, Block 4, Lot 14, Sec. 25, Phase 3 ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Batay sa ulat ng pulisya dakong 12:25 am, naglalakad sa  Phase 9, Package 7A, Brgy. 176 ang biktima kasama ang kaibigang si Lui Glenn Mariano,  nang biglang sumulpot ang suspek at tinarakan sa likod si Dela Torre.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top