Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / James Reid, kaabang-abang bilang si Pedro Penduko
James Reid, kaabang-abang bilang si Pedro Penduko

James Reid, kaabang-abang bilang si Pedro Penduko

AMINADO si James Reid na isang karangalan para sa kanya ang gumanap bilang Pedro Penduko sa pelikula dahil isa ito sa mga paboritong Pinoy superhero ng mga manonood. Excited na raw siya para sa naturang pelikula na ayon sa aktor ay kakaiba sa mga naunang version ng Pedro Penduko.

“I’m very honored to play a Filipino super-hero, I’m very nervous din, iba ‘yung story nito sa past Pedro Penduko… Actualy, it’s just not a super­hero movie, it has social relevance,” saad ni James.

READ MORE:  Kapamilya Stars, pinupuntirya ng mga sex scandal (Marco, ‘di affected sa video scandal)

Unang gumanap na Pedro Penduko si Efren Reyes Sr., sumunod sina Ramon Zamora, Janno Gibbs, at Matt Evans.

Posibleng mapanood ang Pedro Penduko sa last quarter ng 2018. At bilang paghahanda, nag-aaral ng martial arts si Reid para sa matitinding eksena.

Ang karakter ni James ay nilagyan ng modern twist na nagre-redefine at para maging relevant superheroes para sa kasalukuyang henerasyon.

Ang nasabing proyekto ay sa pakikipagkaisa ng gumawa ng Pedro Penduko, isang Filipi­no comic book character na binuo ni National Artist for Lite­rature Francisco V. Coching, maisasabuhay na ito at mas mabibigyan ng magandang kulay. Nakipagsosyo ang Epik Studios sa Viva Entertainment at Cignal TV para gumawa ng mahigit 50 ordinary comic book characters para mas mapalapit sa puso ng mga Pinoy na mahilig sa Ku­wentong Bayan.

READ MORE:  Aitakatta-Gustong Makita debut single ng MNL48, mapapakinggan na!

Napili si James para magbida sa Pedro Penduko, isang ordi­nar­yong Pinoy na handang laba­­nan ang masa­sa­mang espiritu sa tulong ng agimat.

Ang Cignal TV ang mag­hahandog ng Pedro Pen­du­ko at ng iba pang nakapangingilabot na karakter sa pa­mama­gitan ng pelikula at serye. Sila rin ang ma­mamahagi nito sa iba’t ibang klase ng platform tulad ng DTH, IPTV, OTT at iba pa. Ang part­nership ay hanggang sa pagha­hatid din ng video entertainment dahil nag-venture rin sila sa merchan­dising at gaming.

READ MORE:  Xian at Kim, magpapakasal na?

Samantala, marami pang nakalinyang proyekto ang Epik Studios para maihatid muli ang iba pang istorya ng folk heroes tulad nina Bernardo Carpio, Maria Makiling, at iba pa. At tiyak ito’y mabibigyan ng bagong mukha at hitsura dahil sa mga batang nobelista at animator.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved