Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gov. Chavit, bibilhin ang IBC 13
Gov. Chavit, bibilhin ang IBC 13

Gov. Chavit, bibilhin ang IBC 13

HINDI ikinaila ni dating Gov. Chavit Singson ang planong bibilhin niya ang IBC 13.

Sa pakikipag-usap namin sa kanya kasama ang ilang entertainment press sa bahay nito, sinabi ng dating gobernador na bibilhin nila ni Sen. Manny Pacquiao ang IBC 13, hindi pa nga lamang sa ngayon dahil may inaayos pa at pinag-aaralan pa ng kanyang team kung paano nila makukuha.

READ MORE:  Janine, ‘di susunod sa mother studio ni Rayver

Ani Chavit, ”Nagsabi na kami na bibilhin ‘yung Channel 13. Maraming problema pati labor, lahat.”

Natanong din ang dating gobernador kung gagawin ba niyang sports channel ang IBC 13?

“No, if ever, ipa-partner ko sa  mga nakaaalam talaga sa industry sa abroad and sa lahat ng mga nandito sa industry na nakaaalam. Hindi ako kukuha ng walang alam sa TV, sa showbiz, lahat ng kukunin ko lahat may alam sa industry.

Ukol naman sa nalalapit na laban ni Pacquiao, naikuwento nitong lagi  siyang nakasuporta sa Senador at para hindi maabala ang laban sa boxing ay ipinasusundo niya ito ng kanyang private airplane sakaling magkikita sila o may pupuntahan.

READ MORE:  Gay radio/TV personality, isinusuka ng radio station
READ MORE:  Heart, inalmahan ang panukala ng QC ukol sa mga alagang hayop

At dahil nalalapit na rin ang election sa susunod na taon, tinanong din ang dating gobernador kung may plano pa itong tumakbo.

Ang taning sagot ni Singson, ”Wala na akong planong tumakbo. Masaya na ako. Kompleto na ako.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved