Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bunkhouse nasunog, 200 trabahador nakaligtas
Bunkhouse nasunog, 200 trabahador nakaligtas

Bunkhouse nasunog, 200 trabahador nakaligtas

OPOL, Misamis Oriental – Natu­pok ang bunkhouse ng 200 construction worker sa Brgy. Igpit sa bayang ito, nitong Saba­do ng umaga.

Nakaalis na para magtra­baho ang ilan sa mga mang­gagawa ng Equi-Parco con­struc­t­ion company nang mapan­sin ng mga kasamahan ang makapal na usok mula sa isa sa mga kuwarto ng dalawang palapag na bunkhouse.

READ MORE:  Breath analyzer vs drunk driving gagamitin ng LTFRB sa March 12  

Sinubukan ngunit nabigo ang mga trabahador na apulain ang apoy, na lumaki agad dahil sa malakas na hangin.

READ MORE:  Criminal case vs Kentex, CJC Manpower inirekomenda ng DoLE

Natupok na ang 150 kuwarto ng estrukturang gawa sa light materials bago na­karating ang mga awtoridad, sabi ng imbes­tigador na si Harold Cabasan.

READ MORE:  Police official na kasabwat ni Nobleza tinutunton; Posibleng sabwatan sa ASG busisiin (Apela ng MNLF sa gov’t)

Nasa P180,000 umano ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy.

Walang trabahador na nasaktan sa nasabing insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved