Saturday , August 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Takot ni Juday habang nagluluto, naalis sa Judy Ann’s Kitchen
Takot ni Juday habang nagluluto, naalis sa Judy Ann’s Kitchen

Takot ni Juday habang nagluluto, naalis sa Judy Ann’s Kitchen

NAPAKABILIS ng panahon at nakagugulat na ang Judy Ann’s Kitchen na nagsimula sa “subok lang” ay season 7 na!

Simula ngayong Sabado ay mapapanood na ang season 7 ng Judy Ann’s Kitchen sa Youtube channel nito at sa Facebook.com/judyannskitchen tuwing Sabado, 10:30 a.m..

Ano ang pakiramdam ni Judy Ann ukol dito?

Ang surreal! Surreal na masaya! Nakaka-overwhelm pa rin hangang ngayon ‘yung thought na ang ganda ng resulta, marami kang nai-inspire. Personally natutuwa ako kapag may nagme-message sa amin na kapag napanood nila iyong video tuwang-tuwa sila, ang saya nila.

“‘Yung ganoon, ‘yung more than naka-inspire kang makapagluto sa mga tao, it’s ‘yung… mas ‘yung nakalilumutan nila ‘yung problema nila, na hindi naman iyon ‘yung unang purpose ng show.

“Naging parang… ‘yung nilu-look forward siya ng mga tao every Saturday… nakatataba siya ng puso, actually sobrang nakaka-overwhelm, ‘yung hindi ko alam kung saan ipe-place ‘yung nangyayari ngayon.

“Kilala nyo naman ako, hindi naman ako ma-Youtube, ‘di ba? Isa ito sa talagang hindi pinlanong mangyari. Pero siyempre napaka-grateful ko and napaka-thankful ko sa naging resulta.

“Kasi ano siya eh, it can make me, or break me, noong season 1. Puwede kasing pinagtawanan siya at sinabing trying hard, alam mo ‘yun? Puwedeng… I just had to convince myself na, ‘Basta nag-enjoy ka habang ginagawa mo siya, eh ‘di okay!’

Regardless kung ano ang sabihin ng mga tao, ang importante, nagawa mo lang ‘yung gusto mong subukang gawin.

“Kasi iyon lang naman ‘yung naging goal ko noong nag-Youtube ako eh, is to face my fear of talking while cooking.

“And opening myself up to people, iyon ‘yung naging goal ko talaga bago ako nag-40 , na marami akong mga bagay na dapat harapin bilang magfo-49 na ako  noong time na ‘yun.

“So isa ‘yun sa challenges na ibinigay ko sa sarili ko.”

At naitawid iyon ng bongga ni Judy Ann!

READ MORE:  Tunog pa lang sa Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz, nakatatakot na
READ MORE:  Direk Cathy, magreretiro na; pangarap na maging maybahay lang, matutupad na

“Yung ang daming biglang gustong magluto, ang daming biglang gustong … maraming nagme-message na inihanda nila sa family nila ang mga napanood nila sa show.

Naka­tutuwa rin ‘yung biglang may lalapit sa akin ‘pag nasa mall ako, mga tao na hindi mo iisipin na nanonood sa iyo, biglang lalapit na, ‘I always watch your show!’ ‘Ginawa ko na ‘yung recipe mo kagabi’, ganyan-ganyan.”

May viewers pa na humihingi ng tips and advises kay Judy Ann, minsan nga hindi lang tungkol sa pagluluto kundi pati na rin tungkol sa buhay-buhay.

READ MORE:  Ian, mas naging yummy at nagkaroon ng kaliwa’t kanang project nang magka-edad

Ang mga maaasahang mapapanood ng viewers sa Season 7 ng Judy Ann’s Kitchen…

Well, siguro mas ano lang, mas may tips lang on how engage with your children during the summer or the rainy season, paano mo mabibigyan ng activities ang mga bata na to make them more responsible.

“Tapos medyo mas bongga rin ang dishes ngayon.

Ganoon pa rin wala namang masyadong i-expect na ibang-iba, na kung ano ‘yung mga nagustuhan nila for the past six seasons, nandoo pa rin, mas ii-improve pa namin, mas pagagandahin.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved