Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gabby at Inah de Belen, mag-ama sa Father’s Day episode ng Magpakailanman
Gabby at Inah de Belen, mag-ama sa Father’s Day episode ng Magpakailanman

Gabby at Inah de Belen, mag-ama sa Father’s Day episode ng Magpakailanman

NGAYONG Sabado, matindi ang Magpakailanman dahil no less than Gabby Concepcion ang magbibigy ng hustisya sa nakaaantig na karakter ni Raul, isang amang magliligtas sa nag-iisang anak niya sa kamay ng mga human trafficker.

At bongga talaga dahil ang gaganap na anak niya ay si Inah de Belen na anak sa tunay na buhay ni Janice de Belen na dating karelasyon ni Gabby!

READ MORE:  Aktor, ‘di pumasa sa audition ng indie movie, mas pinaboran kasi ang isang baguhan

Isang malaking isyu sa bansa ang ganitong kalakaran ng mga sindikato, at palalawakin pa ng Kapuso star ang kaalaman dito. Abangan kung paano susuungin ni Raul ang kamatayan para lang maprotektahan ang kanyang unica hija na si Grace.

READ MORE:  Marlo Mortel, humahataw ang career bilang Boyfie ng Bayan!

Tampok din sa episode na Ibalik Mo Sa Akin Ang Anak Ko sina Valerie Concepcion bilang Linda, Chinggay Riego bilang Mila, Tom Olivar bilang Carding, Analyn Barro bilang Sonya, Raul Russo bilang Eleazar, Jon Achaval bilang General Diaz, at Kiko Matos bilang Gardo.

READ MORE:  Kilabot ng kolehiyala na si Michael, nakabuntis!

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved