Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong Dantes may bagong infotainment weekend show sa GMA7 na “Amazing Earth”
Dingdong Dantes may bagong infotainment weekend show sa GMA7 na “Amazing Earth”

Dingdong Dantes may bagong infotainment weekend show sa GMA7 na “Amazing Earth”

IPAPAKITA ni Dingdong Dantes ang ganda ng ating mundo sa isang bagong infotainment program na handog ng GMA Network.

Sa darating na June 17, si Dingdong ay magbabahagi ng iba’t ibang kuwento ng ating mundo sa Amazing Earth. Ang Amazing Earth featuring BBC’s Planet Earth II, ay bagong infotainment show na mapapanood sa Kapuso Network tuwing Linggo.

READ MORE:  Away nina Sunshine at Cesar, nakaiirita na

Kinilala ang Planet Earth II sa Emmy Awards bilang Outstanding Documentary or Non-Fiction series. Halos anim na taon ang binuno ng BBC para i-shoot ang Planet Earth II sa 40 bansa at nagkahalaga nang mahigit P1.3 billion.

Pinag-usapan din ang naturang wildlife documentary dahil sa paggamit ng pinakabagong teknolohiya tulad ng ultra-high definition cameras,

remote recording, and aerial drone technology para matutukan at ma-highlight ang mga featured amazing life stories mula sa animal kingdom.

READ MORE:  Maki-rock at makikanta sa Michael Learns to Rock!

Bibigyang tinig ni Dingdong ang Philippine presentation ng Planet Earth II sa Amazing Earth. Isasama niya rin tayo sa ilang outdoor adventures sa mga isla, bundok, karagatan at kagubatan ng Filipinas para ipakilala sa ilang nakamamanghang hayop dito sa bansa.

READ MORE:  Jen, ‘ninanamnam’ ang suportang ibinibigay ni Dennis

Tutulungan niya rin ang mga manonood na matuto kung paano mapangangalagaan ang ating kalikasan. Maglakbay, mag-enjoy at matuto kasama si Dantes sa pagtuklas ng ganda ng ating planeta sa Amazing Earth tuwing Linggo simula ngayong June 17 (Sunday).

Si Direk Rico Gutierrez ang director ng said show na vibes na vibes ang magandang ratings!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved