Thursday , June 27 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, nagbayad ng modelo para magpanggap na BF
Aktres, nagbayad ng modelo para magpanggap na BF

Aktres, nagbayad ng modelo para magpanggap na BF

KINAUSAP ng female star ang isang poging male model. Willing magbayad ang female star, pero wala namang gagawing masama. Gusto lang niyang magpanggap ang male model na nanliligaw sa kanya.

Hindi naman kailangang totohanin ang panliligaw dahil normal lang naman iyong magkakaligawan sa showbiz tapos biglang basta wala na lang.

Ang importante lang sa female star, masabing may nanliligaw sa kanya, at magkaroon siya ng feeling na maganda siya.

Hindi raw pumayag ang male model. Nagkamali kasi ang female star, dahil kung ang nilapitan niya ay iyong Brazilian male model na isa, basta magbabayad siya papayag iyon.

Marami nang niligawan iyon pero kailangan pagkaperahan niya. Kung hindi, break na kayo. Kung willing naman siyang magbayad eh ‘di sana iyon na lang ang nilapitan niya.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top