Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ika-120 taon ng araw ng kalayaan ginunita
Ika-120 taon ng araw ng kalayaan ginunita

Ika-120 taon ng araw ng kalayaan ginunita

GINUNITA ang ika-120 anibersaryo ng Kalayaan na may temang “Pag­ba­bagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabu­kasan” sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa Monumento Circle, Calo­o­can City, kahapon ng umaga.

Pinangunahan nina Mayor Oscar Malapitan, 1st District Cong. Along Malapitan, 2nd District Cong. Egay Erece, Vice Mayor Maca Asistio III, Caloocan Police chief, S/Supt. Restituto Arcanghel at Danny Lim, chairman ng Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA), ang pagtataas ng wata­wat ng Filipinas, pag-alay ng mga bulaklak at pag­papalipad ng mga lobo sa naturang okasyon.

READ MORE:  Misuari mananagot – PNoy

Sa kanyang talum­pati, sinabi ni Mayor Malapitan na 120 taon ang nakaraan nang ide­klara ni Emilio Aguinaldo ang ating kalayaan mula sa mga mananakop na Kastila, sadyang mapag­mahal sa ating kalayaan ang mga Filipino.

READ MORE:  Lee, Raz arestado ‘di sumuko

Pinasalamatan din niya ang mga bayaning sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna, Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo, Emilio Jacinto, Gregorio Del Pilar at libo-libong mga ninuno na nagbuwis ng kanilang buhay.

Ibinida ng alkalde ang kanyang mga nagawang proyekto sa lungsod kabi­lang ang mga bagong sa­sakyan ng mga pulis, karagdagang CCTV, mga pailaw sa kalsada, ang bagong bukas na Balay Silangan Reformation Center, tuloy-tuloy na out-patient rehab pro­gram, mega job fair bu­wan-buwan, edukasyon at cash for work program.

READ MORE:  AFP kasado vs kudeta

Habang simple ang panawagan ni MMDA Chairman Lim sa kan­yang talumpati, sumu­nod sa batas para maka­bahagi sa pag-unlad ng bansa.

(ROMMEL SALES)

 

 

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved