Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Panloloko ng karelasyon at kaibigan ni Rina Navarro sa kanya, kinompirma ng IG post
Panloloko ng karelasyon at kaibigan ni Rina Navarro sa kanya, kinompirma ng IG post

Panloloko ng karelasyon at kaibigan ni Rina Navarro sa kanya, kinompirma ng IG post

UMANI ng papuri ang kasa­lukuyang post ng sinasabing inagawan umano ng BF ni Ara Mina, si Rina Navarromula sa mga kaibigan at followers nito. Si Navarro ang umano’y fiancee ng isang government official na sinasabing mayroon din relasyon kay Ara.

Sa post ni Rina sa kanyang Instagram  account  @thisisrinanavarro),  kinompirma nito ang panloloko/pagkakanulo sa kanya ng kanyang mahal na posibleng ang tinutukoy niya ay ang boyfriend na ama ng kanyang anak at ng itinuturing niyang kaibigan at kapatid.

Aminado si Rina na ang pangya­yari ay maikokonsidera niyang pinakamasakit sa kanyang buhay. Mas masakit kaysa nang nawalan siya ng asawa sa edad 25. Subalit napagtanto niyang, ”I realized that betrayal is even more painful than death.”

Sinabi ni Rina na ginawa niya ang pagsulat na iyon (three days ago) para mahimok ang mga kababaihan na tulad niya, na nakaranas ng mga  sama ng loob, sakit ng kaloobn, na magkaroon pa rin ng pag-asa at maniwala pa rin sa pag-ibig, na darating pa rin iyon (love) sa tamang panahon at sa tamang tao.

READ MORE:  Ano kaya ang magiging anak nina Ellen at Lloydie?

Sambit ni Rina, “you deserve respect and love. Always. And if this is not given to you, you have the power to give it to yourself.”

Iginiit niyang kaya pa rin tumayo ng isang babaeng niloko, nilinlang ng minamahal at ng kaibigan tulad ng ginawa sa kanya.

Matatandaang May 24 unang inilabas ni Manay Lolit Solis sa kanyang IG account (@akosilolitsolis) ang ukol sa umano’y pagkadiskubre sa sinasabing bagong karelasyon ni Ara Mina. Sa IG post ni Solis, sinabi nitong nabunyag ang relasyon ni Ara sa lalaking may karelasyon na rin sa isang okasyon. Anang post, nagdu-duet si Ara at kaibigan nito na dahil hindi alam ang lyrics ng kinakanta ay nagsilbing guide ang cellphone ng aktres. Nang habang kumankantay’y biglang nag-text si lalaki na karelasyon ng ka-duet ni Ara. Roon nabuking na mayroon palang relasyon si Ara sa BF ng kaibigan ng aktres.

READ MORE:  Pagkahulog ni Jose sa maruming ilog, nakababahala

Sa post naman ni Rina, sinasabi niyang three days ago ang ika-30 days ng kanyang journey (hindi lang namin maintindihan kung iyon ba iyong sinasabing pagkabuking niya sa relasyon ng kanyang BF sa iba) na nagpapasalamat siya sa suporta ng kanyang pamilya, kaibigan, at mga anak na nagbibigay lakas sa kanya para harapin ang pang-araw-araw ng buhay at lalo pang maging matapang.

READ MORE:  Negative publicity, tiyak makasisira kay Nadine

Sa huli, may mensahe siya sa mga taong nanakit sa kanya. ”As for the people who has hurt me, I want you to know that you might have broken my heart, but you have not crushed my spirit. 

“So thank you, because in truth, what you have done to me, might have just saved me, without you knowing it.”

Samantala, itinanggi na ni Ara ang mga naunang lumabas na balita ukol dito sa pamamagitan ng report ngpep.ph.

Aniya, ”Walang ganyang pangyayari,” 

Sa kabilang banda, sinilip din naming ang ibang post ni Navarro at nakompirma naming magkaibigan nga sila ng aktres. Makikitang magkasama sina Navarro at Mina sa ilang events.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved