Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KZ Handa nang pakasal, sakaling alukin
KZ Handa nang pakasal, sakaling alukin

KZ Handa nang pakasal, sakaling alukin

KINULIT ni KZ ang boyfriend niyang si TJ Monterde na isa ring sikat na singer na mag-guest.

“Sabi ko, milestone ito sa career ko at it would be my honor if you allow me to sing on stage. Hayun, nakonsensiya siguro kaya pumayag,” kuwento ng dalaga.

Natanong kung may plano na silang dalawa dahil halos lahat ng female singers ng Cornerstone Talent Management ay may mga asawa na at ang latest ay si Moira de la Torre na magpapakasal na rin.

READ MORE:  Direk Perci Intalan, masaya sa pagkakasali ng Die Beautiful sa MMFF 2016

“We will get there in time. Pero I think you should marry when you’re ready,” say ni KZ.

Tatanggapin ba niya kung sakaling mag-propose na rin si TJ sa kanya sa mismong concert niya?

“Siguro!” mabilis na sagot ni KZ. Sabay hirit, ”Bakit ko naman hihindian kung nandoon na baka magbago pa ang isip!”

Limang taon na sina KZ at TJ, pero bilang opisyal na magka-relasyon ay apat na taon dahil isang taon siyang niligawan ng binata.

READ MORE:  Sabrina M., tiklo sa isinagawang anti-illegal operation

“Almost five years na kami, he courted me for a year, almost four years na kaming magdyowa. Sobrang thankful ako, he’s very understanding.

“Alam niya kasi, right now, priority namin ang aming careers. Kasi nga, pareho kaming dalawa, we’re just starting. Gusto naming i-build muna nang i-build ‘yung careers namin.

“Sobrang understanding niya na minsan ‘di ko na naiintindihan, feeling ko baka nagtatampo na siya na we don’t talk enough,” kuwento ng dalaga.

Lalo na noong nakipag-compete si KZ sa Singer 2018 sa China, ”When I was in China kasi, walang social media, ‘tapos nagtatapos kami mag-meeting alas-tres na ng umaga.

“Minsan nagpe-Facetime kami, nagbi-video call kami, nakakatulugan ko siya, ni hindi man lang ako nakakapag-babay.

“Pero sobrang naging understanding siya sa whole journey na ‘yun, never niyang ipinaramdam sa akin na nagkulang ako sa kanya as a partner. And I’m really thankful,” papuri niya sa boyfriend niya.

READ MORE:  Toni, ayaw pang magsalita ukol sa kanyang pagbubuntis

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved