Wednesday , April 24 2024

Paggawa ng pelikula, isasakripisyo ni Jen

SA The Cure, mas hirap si Tom Rodriguez physically kaysa kay Jennylyn Mercado dahil mas maraming fight scenes at stunts si Tom kaysa kanya, ayon mismo kay Jennylyn.

“Wala siyang double, kaya niya eh,” bulalas pa ni Jennylyn tungkol sa kanyang leading man. ”Enjoy siya! Si Tom, grabe ‘yan gumawa ng eksena.”

Si Jennylyn, ang pinaka-daring stunt na nagawa niya ay sa pelikulang  Super Noypi na entry ng Regal Films saMetro Manila Film Festival noong December 2006.

Bukod kay Jennylyn ay nasa naturang pelikula rin sina Mark Herras, Katrina Halili, Polo Ravales, John Prats, at Sandara Park bilang anim na kabataang magkakaibigan na may taglay na superpowers.

“Nakatatawa ‘yun! Pinahawak ako sa ano ng helicopter, ‘yung bar, sa paa ng helicopter, nakasabit ako tapos pinaikot sa buong Quezon City, paikot-ikot!”

Naka-harness naman siya ng mga sandaling ‘yun.

“Pero ‘yung feeling na nakakapit lang ako,” at tumawa si Jennylyn. Wala raw siyang double sa naturang eksena.

“Kasi yung camera nakaharap sa akin tapos kita ‘yung buong ano.”

Mabuti at pumayag siya.

“Wala naman akong choice e,” at tumawa si Jennylyn. ”Sabi ni Mother Lily eh, ‘Okay po, Mother’,” at muling tumawa ang Kapuso actress.

Matagal ang naturang eksena.

“Oo paikot-ikot kami, ang tagal! Kailangan nila ng mahabang material. “Ang tagal ko ha,” at muling tumawa si Jennylyn.

Samantala, hindi muna gagawa ng pelikula ngayong taong ito si Jennylyn.

“Nagpo-focus ako rito sa ‘The Cure,’” pagtukoy niya sa GMA primetime series niya.

“Kasi medyo madugo po siya eh, medyo malalaki ‘yung mga eksena kaya pag-uwi mo talagang kailangang magpahinga na,” at tumawa si Jennylyn.

Gumaganap sina Jennylyn at Tom sa The Cure bilang mag-asawang Charity at Gregory Salvador.

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *