Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 500 Pinoy nurses wanted sa Germany — POEA
500 Pinoy nurses wanted sa Germany — POEA

500 Pinoy nurses wanted sa Germany — POEA

NAGHAHANAP ang European country ng daan-daang nurses para punuan ang ba­kan­teng posisyon sa kanilang healthcare industry, ayon kay POEA admi­nis­trator Bernard Olalia.

“Nagkukulang po kasi ang kanilang health­care workers,” ani Olalia.

Aniya, ang interesa­dong nurses ay maaaring mag-apply sa pamama­gitan ng POEA website o sa accredited private recruitment agencies.

READ MORE:  P20-B savings ng gov’t ipinagyabang ni PNoy

Ang assistant nurses, o ang mga hindi pa pumapasa Sa Germany’s licensure examination, ay tatanggap ng starting salary na 1,900 euros o tinatayang P118,266.

Habang ang nurses na pumasa sa Germany’s licensure exam, ay ta­tang­gap ng starting salary na 2,300 euros o  tina­tayang P143,165, dagdag ni Olalia.

READ MORE:  Pagsibak kay Mison hinihintay ng palasyo

Ang mga aplikante ay dapat pumasa sa German language proficiency test bago maging registered nurse, ayon sa opisyal.

Hinikayat niya ang mga interesadong mag­tra­­baho sa Germany na i-tsek ang listahan ng POEA ng accredited recruitment agencies bago mag-apply upang makaiwas sa scams.

READ MORE:  NHA chief, sinisi sa “lakas ng loob” ng land grabbing syndicate

“Kapag po wala roon sa listahan, at hindi po nakalagay doon kung sino-sino ang mga em­pleyadong mag-repre­sent doon sa agency na ‘yun, huwag po silang maniwala at hindi po ‘yun totoo,” paalala ni Olalia.

Tinatayang 480 Fili­pino nurses ang kasa­lukuyang nagtatra­baho sa Germany.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved