Thursday , May 22 2025

Mayweather pinakayamang atleta

SA loob man o labas ng kuwadradong lona ay si Floyd Mayweather Jr., pa rin ang kampeon.

Nabansagang “Money” Mayweather, napatunayan iyan ni Mayweather nang tanghaling pinakamayamang atleta ngayon ayon sa Forbes Magazine.

Umabot sa $285 milyon ang naging kita ni Mayweather sa 2017 upang manguna sa listahan ng Forbes na ‘highest paid’ athletes.

Bunsod nito, dinaig ng boksingero ang football star ng Real Madrid na si Cristiano Ronaldo na may hawak ng korona sa nakalipas na dalawang taon.

Sumegunda kay Mayweather ang football star rin na si Lionel Messi ng FC Barcelona sa kanyang US$111 milyong kita habang nagkasya lang sa ikatlong puwesto ngayon si Ronaldo sa kitang US$108 milyon.

Pumang-apat naman ang MMA star na si Conor McGregor ng UFC sa nakolektang US$99 milyon habang kinompleto ng isa rin football star na si Neymar ang top five sa naitala niyang US$90 milyon.

Sinundan sila ng basketball royalty na si LeBron James ng Cleveland Cavaliers na nasa ikaanim na puwesto bunsod ng nalikom nitong US$85 milyon sa nakalipas na taon.

Nakasingit sa 7th spot ang tennis star na si Roger  Federer (US$77.2M) habang kinompleto nina Stephen Curry (US$76.9M) ng Golden State Warriors, NFL Quarterbacks na sina Matt Ryan (US$67.3M) ng Atlanta Falcons at Matthew Stafford (US$59.5M) ng Detroit Lions ang top 10.

Habang nangunguna ang boxing star sa highest paid athlete ng Forbes Magazine ay dominado naman ng football stars ang top 5 bunsod ng 3 puwesto sa katauhan nina Messi, Ronaldo at Neymar.

Samantala, dahil tumaas ang salary cap ng NBA dahil sa bagong US$24 bilyong TV contract nito, dinomina pa rin sa kabuuaan ng NBA players ang listahan sa pagkakaroon ng 40 manlalaro sa top 100 sa pangunguna ni James at Curry. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Kaogma Collision 2

Kaogma Collision 2 sisiklab

MULING magpapasiklab ang Universal Reality Combat Championship (URCC) mixed martial arts sa Kabikulan ngayong katapusan …

Richard Bachmann PSC Batang Pinoy 2025

GenSan host ng Batang Pinoy 2025

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na gaganapin ang Batang Pinoy 2025 sa …

Marc Kevin Labog

PH chess wizard Marc Kevin Labog naghari sa Bangkok chess tilt

NAGHARI si PH chess wizard Marc Kevin Labog sa katatapos na JCA Blitz May 2025 …

PVL Rookie Draft 2025

Mga nagnanais sumali sa PVL, may isang linggo na lang bago ang deadline ng draft

ISANG linggo na lamang ang natitira para sa mga kabataang atleta na nagnanais makapasok sa …

Sherwin Meneses Creamline

Creamline Wagi bilang Team of the Year, Meneses Coach of the Year

MAS dinagdagan pa ng Creamline ang karangalan nito matapos masungkit ang Team of the Year …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *