Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pagkakarga ng gasolina bantayan ng motorista
Pagkakarga ng gasolina bantayan ng motorista

Pagkakarga ng gasolina bantayan ng motorista

PAYONG biyahero o motorista lang po lalo na sa mga laging nagmamadali.

Kapag nagpapakarga ng gasolina o diesel tingnan mabuti ang metro at pagkatapos ay i-check ang inyong gauge kung nakargahan nga kayo ng gasolina o diesel.

Ilang kaibigan natin ang nakaranas na magpakarga ng gasolina, full tank, pero hindi naging metikuluso.

READ MORE:  Congratulations sa PNP-QCPD sa matapang na laban vs droga

Aba humaharurot na siya sa highway nang mapansin niyang nangalahati agad ang karga niya. Kitang-kita sa gauge niya.

Wala namang tagas ang tangke ng gas kaya nagtaka siya kung bakit biglang kalahati na ang nasa gauge niya.

Ibig sabihin, masyado siyang nagtiwala at naging kampante noong nagkakarga siya ng gas.

READ MORE:  Albri’s Food Philippines Inc., nagbabayad ba ng tamang excise tax?

May isa namang kaibigan natin, nagpakarga ng gas pero huli na nang matuklasan niyang puro hangin ang lumabas sa hose.

Ay sus!

Kaya paalala lang po natin sa mga motorista, magbantay kapag nagpapakarga ng gasolina o diesel, otherwise mabubutas ang bulsa ninyo lalo na ngayong hindi mapalagay at napakaligalig ng presyo ng langis.

READ MORE:  May ‘milagro’ ba sa lifting ng blacklist order? (Attention: SOJ Leila de Lima)

Ingats!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved