Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tili ni Jen: Iba ang The Walking Dead sa The Cure
Tili ni Jen: Iba ang The Walking Dead sa The Cure

Tili ni Jen: Iba ang The Walking Dead sa The Cure

HININGAN namin ng reaksiyon si Jennylyn Mercado tungkol sa sinasabi ng ilang bashers na ginaya ang The Cure sa The Walking Dead, sikat na TV series sa USA tungkol sa mga zombie.

“Ibang-iba naman siya sa ‘The Walking Dead!’

“Hindi naman zombies ang sa amin, infected, parang nagka-rabies.”

Ang The Cure ay kuwento tungkol sa isang experimental drug na pumapatay ng cancer cells pero ang side effect naman ay ang mutation ng mapanganib at nakahahawang virus na Monkey Virus Disease or MVD.

READ MORE:  Pagbubuntis ni Nathalie, wala sa panahon

Na ang sinumang ma-infect nito ay nagiging ulol at bayolente na mas masahol pa sa isang asong ulol.

Samantala, ang The Cure ay, ranked number four sa Social Wit List top ten most talked-about new shows on social media for the month of April. Ang pilot episode nito ay nakakuha ng 46,000 Facebook at Twittercomments. Ang hashtag #GMATheCure ay naging top trending topic din sa Twitter Philippines sa pagsisimula nito.

“Ngayon ko lang po nalaman, sa inyo ko lang po nalaman,” bulalas ni Jennylyn habang kausap namin sa taping ng The Cure noong May 18 sa Antipolo.

READ MORE:  Sikreto ng tagumpay ni Teacher Georcelle, inilahad sa The Force Within

“Thank you!

“Siyempre masaya kami na kami rin ‘yung unang… proud din kami na kami ‘yung… una kaming gumawa nito, ng ganitong klaseng concept sa isang soap, sa Philippine television.

“So, masaya at excited kami talaga at sana mas ma-excite pa ‘yung mga tao at panoorin nila palagi.

“Hindi ‘yung mapag-usapan lang, try nilang panoorin,” ang nakangiting sinabi pa ni Jennylyn.

READ MORE:  Bakasyon na naman!

Tinanong namin si Jennylyn ng hypothetical question, halimbawang magkatotoo ang The Cure, na huwag naman sana, sino ang ililigtas niya bukod sa boyfriend niyang si Dennis Trillo at anak na si Alex Jazz?

“Bukod sa kanila? Ang hirap naman,” ang tili ni Jennylyn.

“Ang hirap. Eh ‘di ‘yung tatay ko, si Daddy Noli.

“At saka ‘yung mga pusa ko, aso ko, lahat na ng kaya kong iligtas,” at tumawa si Jennylyn.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved