Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagbabagong-image ni Alden, matanggap kaya ng fans?
Pagbabagong-image ni Alden, matanggap kaya ng fans?

Pagbabagong-image ni Alden, matanggap kaya ng fans?

MABIGAT ang bagong papel ni Alden Richards sa GMA, ang Victor Magtanggol, isang maaksiyong drama kasama ang dating Kapamilya star na si John Estrada.

Sa bagong serye ni Alden, hindi niya magagamit ang mga pabebe gimik, pa-cute looking na rating ginagawa.

Mahaharap si Alden sa mga fight scene at matitinding paged-deliver ng dialogue lalo’t si John ang makakaharap ng actor.

Paano kaya tatanggapin ng fans ang pagbabagong image na ito ni Alden?

ROWELL, PINURI
SA ANG PROBINSYANO

UMANI ng papuri mula sa televiwers ng FPJ’s Ang Probinsyano ang ipinakitang acting ni Rowell Santiago bilang pangulo. Dignified looking at mukhang politician talaga si Rowell.

May mga nagtatanong kung ipagpapatuloy ni Rowell ang pagiging isang teleserye star. Marami kasi ang naghahanap din sa kanya at bagay naman ang pag-arte sa kanya.

Matindi ang karakter na ipinakita nila ni Edu Manzano na nagkaroon ng kulay at bigat ang istorya noong mapasama sina Lito Lapid, Dawn Zulueta, at Alice Dixon.

Maging si Coco Martin ay halatang umaakting na rin at hindi puro facial expression lang ang ipinakikita.

EAT BULAGA,
‘DI NAGPATALBOG
SA TNT
NG IT’S SHOWTIME

AYAW patalbog ang Eat Bulaga! Dahil noong Sabado, pinagsama nila ang paboritong love team, ang AlDubMaine Mendoza at Alden Richards sa Sugod Bahay.

READ MORE:  Bangayang Greta-Claudine, muling sumiklab!

Nakasabay kasi nilang umere ang Tawag ng Tanghalan Finals ng It’s Showtime na talaga namang tinutukan ng marami.

Itinanghal na pinakabagong grand champion si Janine Berdin, 16, estudyante mula Cebu. Naitala niya ang pinakamataas na total average score na 96.11% mula sa combined hurado scores at text at online votes. Dinaig niya ang kapwa final three grand finalists na sina Ato Arman (74.27%) ng Bukidnon at Steven Paysu (61.80%) ng California, USA.

Bilang grand champion, panalo si Janine ng ultimate vacation package mula 2GO, musical gadgets package mula JB Music, isang negosyo package mula Siomai House, television sets mula HKTV, management contracts, bagong house and lot mula Camella, P2-M, at isang tropeo na nilikha ng kilalang Filipino visual artist na si Toym Imao.

READ MORE:  Eagle Riggs, bilib sa magic sa box office ni Direk Wenn

Samantala, wagi naman si Ato ng P500,000 bilang second placer, at si Steven ng P250,000 bilang third-runner up.

DANIEL, TINANGGIHAN
ANG THE GENERAL’S
DAUGHTER 

MAY offer muli ang Kapamilya kay Bulacan Vice Governor Daniel Fernando para sa isang seryosong teleserye, ang The General’s Daughter na ipapalit daw sa tutuldukang, FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi ito tinanggap ni Daniel dahil malapit na ang election at magiging abala sa mga gawain.

Kung minsan kasi halos naokupa na ang oras ng isang artista sa paghihintay kapag napasali sa serye. minsan sobrang trabaho at super puyatan. At bilang isang vice governor hindi alam ni Daniel kung kailan makalilibre ng oras.

Maraming gawaing hinaharap si Daniel sa Bulakan at maraming kahilingan ang mga taong nasasakupan niya. Isa na nga rito ang reklamo ng mga taga-Baliuag hinggil sa natutuyong ilog at patubig na pinagkukunan nila ng tubig para sa mga pananim sa bukid, mga kalyeng pagawain at marami pang iba.

MOMMY PINTY,
‘DI NAPAPAGOD SA
PAG-AALAGA NG APO

MAY mga nagtatanong kung bakit tuwing may bagong ipalalabas na movie or concert si Sarah Geronimo, nababanggit kung kailan ba sila haharap sa altar ni Matteo Guidecelli?

READ MORE:  Aktres, naloka nang malamang boylet ang kaagaw sa mister

Karamihan ng mga nakasabay ni Sarah ay may pamilya na at may baby na kaya tiyak sabik na rin si Mommy Divine na magkaroon ng apo.

Si Mommy Pinty Gonzaga, mommy ni Toni ay balitang aliw na aliw sa kanyang apo. Anak nina Toni at direk Paul Soriano ang tinutukoy namin.

Ang sabi pa, parang walang kapaguran si Mommy Pinty kapag nag-aalaga ng apo.

VILMA, EXCITED NA
SA PAG-AASAWA
NI LUIS

ISA pang sabik na sabik na magkaroon ng apo ay si Cong. Vilma Santos.

Gustong-gusto na niyang magkaroon ng apo kaya excited kung kailan haharap sa altar sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved