Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P1.3-M cash etc., tinangay sa mag-amang Taiwanese (Gapos gang sumalakay)
P1.3-M cash etc., tinangay sa mag-amang Taiwanese (Gapos gang sumalakay)

P1.3-M cash etc., tinangay sa mag-amang Taiwanese (Gapos gang sumalakay)

PINASOK ng hinihinalang mga armadong miyembro ng Gapos gang ang bahay ng mag-amang Taiwanese national na iginapos at tinakpan ng masking tape ang mga bibig saka tinangay ang cash, alahas at gadgets ng sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Valenzuela acting police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, naganap ang insidente dakong 12:00 am sa bahay ni Hsieh Te Yuan, 65, biyudo, sa M. Gregorio St., Brgy. Canumay West ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat nina PO3 Marjun Tubongbanua at PO2 Jeff Bautista, natutulog ang anak na lalaki ni Hsieh na si Wei Siang Chou, 15, nang magising dahil sa narinig na tila naglalakad sa labas.

Nang siya ay tumayo at buksan ang pinto ng kanyang silid, dalawang lalaking kapwa nakasuot ng bonnet ang tumutok sa kanya ng baril habang ang dalawa ay pumasok sa kuwarto ng kanyang ama at pinagban­taang sasaktan kapag nag-ingay.

Dinala ng mga suspek ang mga biktima sa isang kuwarto saka iginapos ang mga kamay at paa at tinakpan ang kanilang bibig ng masking tape.

Pagkaraan ay hinalughog ng mga suspek ang buong bahay at kinuha ang mahahalagang kagamitan ng mag-ama.

Nang umalis na ang mga suspek ay kinalag ni Hsieh ang kanyang gapos at tinulungan ang kanyang anak na alisin ang tali sa kanyang mga kamay at paa.

Kabilang sa tinangay ng mga suspek ang P650,000 cash, dalawang Rolex watch na P530,000 ang halaga, dalawang cellphone na P43,000 ang halaga; dalawang laptop at iPad na  P76,000 ang halaga.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved