Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Muling pagbubukas ng Boracay matatagalan pa
Muling pagbubukas ng Boracay matatagalan pa

Muling pagbubukas ng Boracay matatagalan pa

MALUNGKOT na balita para sa mga mama­mayan at turista ng Boracay.

Ayon sa nakalap nating impormasyon, higit pa raw sa 6 na buwan ang itatagal ng pagsasara ng isla.

Susmaryosep!

Matapos daw magkaroon ng sagutan sa pagitan ni DENR Secretary Roy Cimatu at ng Henann Group of Resorts CEO Alfonso Chusuey tungkol sa nadiskubreng sandamakmak na illegal pipes na dinaraanan ng mga dumi, ebak, basura at iba pang kalat ng mga establisimiyento sa buong lugar.

Wattafak!?

Sang-ayon sa mga nakasaksi, talagang tahasan at walang habas kung magtapon sa dagat ng Malay, Aklan ng mga nakadidiring naipon na basura at sinoman ang makakita nito ay magdadalawang-isip pa kung sila ay maglu­lunoy pa sa dating malaparaisong kara­gatan.

Dahil dito, na-highblood na nga raw ang kalihim ng DENR kaya agad ipinag-utos na hukayin ang lahat ng sewerage system ng mga komersiyal na establisimiyento at isa-isang i-check kung ano pa ang nilalabag na regulasyon ng mga may-ari ng establisimiyento.

Nangkupo!

Naloko na!

Hindi lang naman sewerage system ang nakikitang magtetengga sa pagbubukas ng Bora.

Maski mga kalsada raw na kinakailangang lawakan ay hindi pa lahat nauumpisahang hukayin.

Kasama pa ang mga tindahan at hotels na lumampas sa 25 meters na itinakdang agwat mula sa dagat.

Paktay!

Ang alam natin,  pati nga ang mga grandiosong hotel ng Henann, Shangrila, Movenpick, Fridays at marami pang iba ay hindi makaliligtas sa 25 plus 5 meters away from the shoreline na bagong regulasyon diyan!

Tsk! Tsk! Tsk!

Pero ano itong narinig natin na may mangilan-ngilan pang hotels na nagpapatakbo ng online gaming sa lugar na ‘yan?!

Alam kaya ito ng lokal na gobyerno ng Malay?

Baka po kinakailangan mag-spot check kayong mabuti sa ilang tagong bahayan diyan dahil pinag-utos na ng pamahalaan na i-vacate ang sinuman na nagsasagawa ng negosyo habang inaayos ang kabuuan ng isla?

Maging “fair” dapat ang kalakaran para iwas dagdag na issue para sa buong isla!

Start from the scratch sabi nga nila?!

At ‘yung mga nangangarap na muling makatuntong sa paraiso ng Boracay aabutin pa ‘ata ng siyam na buwan bago muling ma-enjoy ang bagong simoy ng isla!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved