Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Elmo, nakasuporta kay Frank
Elmo, nakasuporta kay Frank

Elmo, nakasuporta kay Frank

ANYWAY, hindi naiwang hindi tanungin si Elmo pagkatapos ng presscon tungkol sa kapatid niyang si Frank Magalona na inaresto sa Taguig dahil nambastos ng babae sa Revel Bar.

Ayon kay Elmo, ”nandito lang ako lagi para sa kapatid ko! This is really an unfortunate event, but I cannot really say what happened because I wasn’t there but he’s already doing something about it.”

Dagdag pa ni Elmo, ”he’s my brother, I love him, he has my 100 percent support. I’m just here para sa kanya. If kailangan niya ako, I will be there for him. Siyempre wala namang may gustong mangyari ang ganoon, but at the end of the day, he is still my brother, so he has my back.”

Alam ni Elmo na malalampasan ni Frank ang lahat ng kinasasangkutan niya, ”Like it’s really a hot stuff now, and I believe bukas, the following day, there will be a new hot stuff, so, parang lilipas din ‘yan. And I hope na matapos din ito.”

As of this writing, nakalaban na si Frank ng kulungan dahil bumaba na ang kasong Acts of Lasciviousness sa Unjust Vexation.

Mapapanood ang Walwal sa Hunyo 27 mula sa Regal Films at release naman ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Reyes.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved