Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bibida sa 7 ToFarm entries, inihayag
Bibida sa 7 ToFarm entries, inihayag

Bibida sa 7 ToFarm entries, inihayag

ISANG yumaong aktres ang choice sana ng direktor na si Eduardo Roy Jr. na magbida sa Lola Igma naTOFARM Film Festival entry niya. Ito’y si Ms. Charito Solis nang tanungin, kahit wishful thinking, kung sino ang artistang naisip niya para sa pelikula.

Sa mga buhay naman, binanggit niya ang pangalan ng mga veteran star na sina Anita Linda at Rustica Carpio na posible ring magbida na tungkol sa pinakamatandang buhay na tao na posibleng makapasok sa Guinness Book of World Records at maging atraksiyon para sa mga turista para sa kapakanan ng mga magsasaka sa Sagada.

READ MORE:  Derek, handang makipagtrabaho kay Angelica

Si Carlo Aquino ang choice ni direk Hubert Tibi na magbida sa TOFARM entry niya na 1957 na isang historical drama tungkol sa mga magsasaka sa Bicol. Sina Alessandra de Rossi at Art Acuna naman ang choices ni direk Keith Sicat para sa entry niyang Alimuom. Ang writer namang si Charles Ong ay naniniwala na isang alternative cast ang bagay sa Fasang.

Nais naman ni direk Rosalie Martilac na maisama si Atom Araullo sa kanyang Isang Kuwento Ng Gubat (The Leonard Co Story) bilang isa sa mga anak ni Leonardo.

READ MORE:  Ara, magtitipid na raw dahil may anak na

Para naman sa Mga Anak Ng Kamote, nais ng writer nitong si John Carlo Pacala, kung kakayanin ng budget, si Melai Cantiveros ang magbida. At para naman sa Sol Searching, pangarap ni direk Roman Perez Jr. na magbida sa pelikula niya ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

READ MORE:  Conversation Pa More with Ricky Lo, mabibili na!

Magaganap ang pagpapalabas ng mga pelikula sa September 12-19 sa mga selected cinemas.

Ang TOFARM Film Festival ay sa pamumuno ni Dr. Milagros How at sa pakikipagtulungan nina Festival Director Bibeth Orteza at Joey Romero.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved