Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Bad joke
Bad joke

Bad joke

UMANI ng kabi-kabilang pagbatikos ang ginawang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang overseas Filipino worker sa ginawang pakikipagkita nito sa Pinoy com­munity sa South Korea nitong nakaraang weekend.

Hindi lang dito sa Filipinas pinulaan ang pangulo, laman din siya ng mga pahayagan at online news sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi anila tama ang ginawa ng pangulo, kesehodang ito ay biro lamang at walang malisya.

Sa maraming kababaihan, partikular sa mga grupo na nag­su­sulong ng kanilang karapatan, kagalingan at kapakanan, naniniwala na ang aksiyon na ginawa ng pangulo ay pagpa­pamalas ng isang ugaling “machismo.”

Ito rin anila ay pagpapakita na siya ay tunay na “misogynist” at “hypocrite” para maipamalas na kaya niyang paikutin at mapag­laruan ang mga kababaihan dahil una siya ay pangulo, at ikalawa, dahil siya ay lalaki.

Sa ganang atin, masaya ang biro, nakaaaliw ito. Gayonman, hindi natin masasabi na ang nangyaring halikan sa South Korea ay isang biro, lalo pa’t isa pa man din siyang pangulo na dapat ay nagbibigay ng mabuting ehemplo sa kanyang mamamayan.

Ilang beses na bang nangyari ang ganitong mga insidente na inilalagay niya sa isang pangit na posisyon ang mga kababaihan isang malinaw na uri ng pambabastos na hindi dapat ginagawa ninoman, lalo ng isang lider ng bansa na tinitingala at iniidolo ng marami.

Sana huwag nang maulit; at kung maulit man, sana ay mas marami pang magsalita at tumutol sa ganitong uri ng pamba­bastos.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved