Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, sumabak sa parkour training para sa Victor Magtanggol
Alden, sumabak sa parkour training para sa Victor Magtanggol

Alden, sumabak sa parkour training para sa Victor Magtanggol

TALAGANG puspusan ang ginagawang paghahanda ni Alden Richards para sa kanyang pinakabagong serye saGMA Network, ang Victor Magtanggol. At dahil puno ng maaaksiyong eksena ang inaabangang Kapusoprimetime series, matindi ang pisikal na paghahandang ginagawa Alden para rito. Bukod sa pagwo-workout, sumailalim din siya sa parkour training.

“I’m doing parkour now para mayroon po tayong maio-offer na bago sa action scenes. Kaya may mga kalyo nga tayo ngayon,” ayon kay Alden.

Asahan na ng Kapuso viewers na marami siyang action scenes kaya naman excited na siyang magamit ang mga pinag-aralang parkour moves sa programa.

READ MORE:  Judy Ann Santos mas gusto raw si Ate Vi compared kay Piolo!

“Naiisip ko siyang gawin kasi siya ‘yung magagamit talaga na skill. Kasi ‘yung pagtalon sa mga bubong, ‘yung mga pagbaba from a certain floor to another floor, ganoon siya ka-intense.”

Nakunan naman ng GMA News ang behind-the-scenes ng unang paghaharap nina Alden at ng bagong Kapusong si John Estrada na kasama rin sa cast ng Victor Magtanggol. Kahit first time na nagsama ay agad naman silang nagkapalagayan ng loob.

“Parang feeling ko eh matagal na kaming magkakilala. I think this is the biggest project of GMA this year. So, I feel really blessed na napasama ako sa proyektong ito,” ayon kay John.

READ MORE:  Sue Ramirez, excited na sa pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi

“First time ko siyang na-meet and very excited ako to do the scenes with him,” dagdag pa ni Alden.

Inamin ng Pambansang Bae na espesyal sa kanya ang Victor Magtanggol dahil extra challenging ang magiging karakter niya sa programa na first time niyang gagampanan. Bukod sa pagbibidahang serye, siya rin ang naatasang kumanta ng theme song na pinamagatang  Superhero Mo kasama ang Pinoy hip-hop group na Ex Battalion na siya ring sumulat ng kanta.

READ MORE:  Doble Kara ni Julia, patok agad sa televiewers

Matapos ilabas ang lyric video ng theme song, hindi na makapaghintay ang kanyang fans na makita ang full trailer ng Victor Magtanggol. Dahil sa kanilang excitement, umabot sa top spot ng trending topics ng TwitterPhilippines ang fan-initiated hashtag na  #VictorMagtanggolFullTrailer. Umani rin ng positive reactions mula sa netizens ang lyric video ng theme song.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved