Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Misis na Korean tumalon mula 43/f patay
Misis na Korean tumalon mula 43/f patay

Misis na Korean tumalon mula 43/f patay

AGAD binawian ng bu­hay ang isang babaeng Korean national makara­an tumalon mula sa ika-43 palapag ng isang con­dominium sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang bik­ti­mang si Kim Mihyun, 35, pansamantalang nanunuluyan sa Unit 43-C, 43rd floor, The Salcedo Park Tower 1 Condo­minium, HV Dela Costa St., Brgy. Bel-Air ng lung­sod.

READ MORE:  65-anyos lola kinatay ng 21-anyos dyowa

Sa report kay Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, nangyari ang insidente dakong 10:23 am sa terrace ng condominium na tinu­tuluyan ng biktima.

READ MORE:  Pewee, Roxas ‘butata’ sa state prosecs (Hatol ng Sandiganbayan iniapela)

Sinabi ni Kim Young In, asawa ng biktima, habang natutulog ay ginising siya ng kanyang anak na babae at sinabing tumalon ang kanyang ina (biktima).

Aniya, noong Biyernes (1 Hunyo) dumating sila sa Filipinas para mag­bakasyon.

READ MORE:  Chiz huling alas (Sa pagkakaisa ng bansa)

Napag-alaman din na taong 2016, noong naka­tira sila sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City ay dalawang beses nagtangkang mag­pakamatay ang biktima sa pamamagitan ng drug overdose dahil sa matin­ding depression.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved