Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Ellen Adarna no show sa child abuse hearing
Ellen Adarna no show sa child abuse hearing

Ellen Adarna no show sa child abuse hearing

HINDI sumipot si Ellen Adarna nitong Lunes sa unang pagdinig sa child abuse at cybercrime complaint na inihain sa kanya, kaugnay sa “paparazzi” incident nitong Mayo na inaku-

s­ahan niya ang isang menor de edad, sa social media ng pagkuha ng retrato sa kanya sa isang restaurant nang walang kanyang permiso.

READ MORE:  PSG, tserman 'Life' sa rape at human trafficking

Ang kaso ay inihain ni Myra Abo Santos, ina ng 17-anyos dalagita na ang retrato ay ini-upload ni Adarna sa kanyang Insta­gram Stories, makaraan hindi tumugon ang aktres sa hiling na public apo­logy ng pamilya hinggil sa kanyang akusasyon.

READ MORE:  Koleksyon ng Customs bumagsak (Sa ikalawang araw ng truck ban ni Erap)

Nitong Lunes, ang preliminary investigation sa kaso ay ginanap sa Pasig City Prosecutor’s Office. Ang pamilya, kasama ng kanilang mga abogado, ay sumipot sa pagdinig. Gayonman, bigong sumipot si Adarna. Sinabi ng abog­ado ng pamilya Santos na si Atty. Arnold Labay, ang pagdinig ay ini-reset sa 11 Hunyo bunsod ng hindi pagdalo ni Adarna.

READ MORE:  Lamay hinagisan ng granada, 6 sugatan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top