Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea, walang makapipigil sa pagpapa-sexy
Andrea, walang makapipigil sa pagpapa-sexy

Andrea, walang makapipigil sa pagpapa-sexy

DESIDIDO talaga si Andrea Torres sa kanyang sexy image kaya handa siyang magpa-sexy sa mga role na ibibigay sa kanya ng GMA.

Isang bagay ang nalinaw sa isang blind item na isang Kapuso star ang lumipat sa Kapamilya dahil sa mga sexy role na ibinibigay. “Handa akong magpa-sexy kaya hindi ako ‘yun. Bakit naman aayaw eh, sexy image talaga ang ipino-project ko. At saka nakapirma na ako ng another contract sa Kapuso,” paglilinaw nito.

READ MORE:  Indie films, ‘di kikita hangga’t tinitipid

Inamin nitong gusto niyang pumapel ng superhero para magamit ang  kaalaman sa action routine. “Mahilig ako sa action, eh. Sobrang na- enjoy ko ang role ko sa ‘Robinhood’ na may action at gray role ang ginagampanan ko. Ipe-pray ko na lang kaysa sabihin ko sa GMA na gusto ang ganitong role,” wika nito.

READ MORE:  Tommy, nabawasan ng 6,000 IG followers

Inamin nitong kinikilig siya kung may mga barakong nagkakagusto sa kanyang kaseksihan. Kaya lang, kung kailan siya nagkapangalan ay at saka dumalang ang mga barakong humahanga sa kanya.

READ MORE:  Sunshine Cruz, tinawanan lang ang pa-epek ni Cesar Montano

“Nagkaroon naman ako ng mga boyfriends before, nagkaroon din ng  experiences pero ngayon, wala eh. May mga nagpapakilala naman pero mahirap silang i-maintain dahil conflict na sa schedules ko.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top