Categories: Opinion

Basura ang LP senatorial bets

Share

HINDI na dapat umasa pa ang mga senatorial bets ng Liberal Party (LP) na mananalo sila sa darating na 2019 midterm elections. Tiyak na sa pusalian sila dadamputin kung itutuloy nila ang kanilang kandidatura.

Ang LP sa ngayon ay naghihingalong political party. Iniwan na ang LP ng kanilang mga lider at miyembro na ngayon ay pawang mga kasapi na ng kasalukuyang partido ng adminis­trasyon na PDP-Laban na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sabi nga, ang kinang ng LP noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay naglaho na!

Pero ang masakit nito, sa kabila ng wala na nga sa poder ang LP, ang mga lumulutang na senatorial candidates ng partido ay wala rin talagang kapana-panalo sa darating na halalan. ‘Ika nga, panis!

Mga pambarangay na maituturing ang mga pangalang ipinalulutang na senatorial bets ng LP. Sa survey pa lang ng SWS at Pulse Asia, wala man lang pumasok sa Magic12 sa kanilang mga kandidato maliban na lamang siguro kay Senator Bam Aquino.

At hindi rin naman nakatitiyak si Bam kung makalulusot pa siya sa darating na halalan.

Mantakin mo ba namang pati sina Cebu City mayor Tomas Osmeña, Rep. Kaka Bag-ao ng Dinagat Islands, Kit Belmonte, former Pam­panga Governor Ed Panlilio, Ramon Magsaysay Jr., Gary Alejano ay tatakbo raw sa Senado? Kumbaga sa karera ng kabayo, grupong bulok ang senatorial bets ng LP. Iiwanan lamang ang mga ito ng milya-milya ng kanilang makakalaban kung magsisimula na ang karera sa 2019.

Mabuti pa itong sina Congressman Sonny Belmonte, Raul Daza, Edcel Lagman na kaagad na itinanggi na tatakbo sila sa Senado sa susunod na taon.  Alam din naman kasi nilang wala silang panalo.

Hindi pa ba sapat ang sinabi ni Vice President Leni Robredo na sa ngayon ay halos kakaunti na lamang ang mga miyembro ng LP, at malamang na hindi nila mapuno ang 12 na kandidato sa kanilang senatorial lineup.

Lumalabas na wala talagang senatoriables ang LP na masasabing de-kalidad at maaaring ipambangga sa mga pulitikong ngayon ay nangunguna sa mga survey ng SWS at Pulse Asia.

Sabagay, no worries ang LP dahil sa ngayon kahit sabihin pang may bentaha ang PDP-Laban dahil sa kanilang machinery at organisasyon, wala rin namang kapana-panalo ang mga kandidatong pinangalanan ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Walang ipinagkaiba ang mga senatoriables ng PDP-Laban sa mga bet ng LP dahil pare-pareho lamang silang mga bulok at hindi mananalo sa darating na halalan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Mat Vicencio

Published by
Mat Vicencio

Recent Posts

LausGroup founder 2 pa, patay sa bumagsak na chopper

NAMATAY ang chairman at founder ng LausGroup of Company nang bumagsak ang pribadong helicopter na kanilang sinasakyan sa isang fishpond… Read More

2 hours ago

‘Human trafficking’ sumambulat sa pagyanig ng Clark Int’l Airport

HINDI lang ang kahinaan ng estruktura ng Clark International Airport (CIA) ang nabuyangyang sa publiko nang pabagsakin ng magnitude 6.1… Read More

3 hours ago

Mag-uutol na huli sa droga itinurong kaanak ng 2 kandidato sa Taguig City

TATLONG magkakapatid na natimbog sa Taguig dahil umano sa pagbebenta ng droga sa mismong tahanan ang itinuturong kamag-anak umano ng… Read More

3 hours ago

‘Human trafficking’ sumambulat sa pagyanig ng Clark Int’l Airport

HINDI lang ang kahinaan ng estruktura ng Clark International Airport (CIA) ang nabuyangyang sa publiko nang pabagsakin ng magnitude 6.1… Read More

3 hours ago

Brownout sa halalan, pinangangambahan ng MKP

MALAKI ang pagdududa ng Murang Kur­yente Partylist (MKP) sa kakayahan ng Department of Energy (DOE) na maseguro na hindi mawa­wala… Read More

4 hours ago

Sa buy bust ops… Mister, huli sa bala’t shabu

SWAK sa kulungan ang isang mister na sangkot sa ilegal na droga at sa ilegal na pagbebenta ng mga bala ng… Read More

4 hours ago