Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine-Alden, burado na sa pag-entra ni Janine
Maine-Alden, burado na sa pag-entra ni Janine

Maine-Alden, burado na sa pag-entra ni Janine

PAHINGA na muna ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil hindi sila ang magkasama sa bagong teleserye ng aktor sa GMA.

Si Janine Gutierrez ang final choice para maging leading lady ni Alden, bagay na matagal na rin namang lumutang. As early as nitong nagdaang Holy Week pa yata.

Marami tuloy ang espekulasyon kung bakit hindi na nasundan ang Destined To Be You nina Alden at Maine. Matatandaang ang taas ng expectations ng network sa lakas ng puwersa nito only to get disappointed.

READ MORE:  Bangs Garcia at Phil Younghusband, nagkakaigihan na?

Hindi kasi gaanong pumalo ‘yon sa ratings.

That time, too, ay tila pababa na ang phenomenal success ng AlDub.

Wrong timing na sa tagal-tagal na naging sikat ang kanilang tambalan ay noon lang naisip na pagsamahin sila.

Ang pagpasok ni Janine is a reaffirmation of sorts (although originally ay isang foreign actress ang inasinta ng GMA to be Alden’s leading lady): isang kasaysayan na lang ang AlDub. Burado na rin sa mapa ang imaginary ng AlDub nation.

READ MORE:  Token Lizares, sumabak na rin sa pag-aartista!

Sana lang, sa mga marami’t natitira pa ring miyembro nito’y we can only hope na suportahan nila si Alden kahit hindi si Maine ang partner nito.

At kung mga diehard Maine fans sila, sana ri’y huwag nilang pagdiskitahan si Janine na kung tutuusi’y wala namang kasalanan kung sa kanya man nauwi ang role bilang love interest ni Alden.

READ MORE:  Baguhang singer na si Kaye Cal, proud lesbian

It’s about time na i-juggle ng GMA ang kanilang mga talent at hanapan ito ng iba’t ibang makakatambal na posibleng kagatin din ng publiko.

Sa aspetong ito, lamang ang ABS-CBN na walang takot mag-eksperimento.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved