Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Custody sa anak ni Vina, pinag-uusapan pa
Custody sa anak ni Vina, pinag-uusapan pa

Custody sa anak ni Vina, pinag-uusapan pa

SALAMAT po Panginoon Padre Pio, Mahal kong pamilya, Matatalik kong kaibigan at sa iyo Atty @lucillesering to God be the Glory #AnsweredPrayer #GodisGreat #thankful,” ito ang Instagram post ni Vina Morales kahapon dahil napatunayang guilty for kidnapping si Cedric Cua Lee, ama ng anak niyang si Ceana Magdayao Lee.

Kay Padre Pio hiniling ni Vina na sana matapos na ang dalawang taong kaso niya kay Cedric na lumabas naman ang resulta noong Lunes, Mayo 28.

READ MORE:  Mike, madalas nakahubad sa mga eksena

At dahil ama pa rin si Cedric ni Ceana kaya tinanong namin si Vina kung tuloy pa rin ang visitation rights ng una.

For now, Regg hindi pa napag-usapan kasi nasa San Juan case pa ‘yan.  Hindi ako puwedeng mag-comment pa kasi may on-going case pa kami regarding custody case,”sagot ni Vina sa amin.

READ MORE:  KathNiel, parang Hollywood stars kung pagkaguluhan sa ibang bansa

Sabi pa, “thankful ako kasi ‘yung kidnapping found guilty siya (Cedric), so napatunayan na were telling the truth.”

Alam lahat ni Ceana, 9, ang nangyari sa daddy niya, “yes alam niya (Ceana) kasi that day ibinalik ‘yung mga gamit niya pati mermaid tail from last year na ayaw ibalik. Basta thankful kami ni Atty (Lucille Sering) na found guilty, hope he stops harassing us. Kapagod at kaawa rin ‘yung bata.”

As of now ay waiting din si Vina sa kasong libel na isinampa naman sa kanya ni Cedric sa Caloocan City RTC na may kinalaman din sa kasong isinampa ng aktres laban sa kanya. (REGGEE BONOAN)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved