Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 3 korona, paglalabanan sa Mister Grand Philippines 2018
3 korona, paglalabanan sa Mister Grand Philippines 2018

3 korona, paglalabanan sa Mister Grand Philippines 2018

TATLONG korona ang puwedeng mapanalunan ng 34 candidates mula sa iba’t ibang sulok ng bansa mula Luzon, Visayas, at Mindanao sa itinuturing na grandest male pageant sa bansa, ang Mister Grand Philippines 2018 na lalaban sa Mister Grand International 2018 na gaganapin sa bansa, Mister Model of the World 2018 na gaganapin sa Yangon, Myanmar, at Mister Tourism Ambassador International 2018 na gaganapin sa Kota Kinabalu, Malaysia.

READ MORE:  Yul at Direk Maryo, may kasunduan (sa pagpasok niya sa politika)

Habang papalapit ang pageant night, araw-araw ang kanilang activities at isa na rito ang naganap na festival costume, talent, at press presentation na ginanap sa Resorts World Manila last May 28.

READ MORE:  FPJ’s Ang Probinsyano, di pa rin matalo-talo

Ilan sa standout among the candidates ay sina David Simon Reyes ng Makati City, Kerr Michael Cruz ng Negros Island, Michael Annerey Reyes ng Quezon Province, Jomel Ocampo ng Isabela Province, Anthony Bracero ng Zamboanga City, Mark Paul Espilita ng Sta Rosa Laguna City, at Danes Roner Cruz ng San Pedro Laguna.

READ MORE:  Tetay, nagulat sa murang presyo at ganda ng Ever Bilena

Magaganap ang Grand Finals ng Mister Grand Philippines 2018 sa June 2, 7:00 p.m. sa Crossroad Center sa Quezon City at ito’y hatid ng MegaModels Events and Talents Management ng kaibigang Meg Perez.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved