Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joshua, pang-idolo ang dating
Joshua, pang-idolo ang dating

Joshua, pang-idolo ang dating

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kami maka-move-on sa pag-iisip kung magsyota ba talaga sina Joshua Garcia at Julia Barretto o umaarte lang para sa kanilang tambalan.

Sa katatapos na Gawad Pasado Award na ginanap sa National Teachers College-Manila, ginawaran ng mga Dalubguro si Joshua bilang Pinapakasadong Aktor Sa Teleserye dahil sa kahusayan sa pag-arte sa The Good Son.

Naisip namin kung may nabuong pag-ibig agad sa JoshLia nang gawin ang Love You To The Stars and Back o nag-inarte lang silang nagmamahalan.

Sa kaso ni Joshua, madali sa kanya ang sumikat dahil nasa kanya ang potensiyal ng isang aktor na iidolohin tulad ng karisma ni John Lloyd Cruz. Sa kaso naman ni Julia, ang lakas ng pasok nito dahil artistang-artista ang ganda.

Nang mag-speech si JG, kapansin-pansin lang na hindi kasama sa mga pinasalamatan si Julia. At nang mabanggit naman ang pangalan, wala kaming naramdamang galing sa puso mula sa aktor. Ang masaklap, parang walang kinilig, walang palakpakan o sigawan ng fans.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved