Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong, marami pang proyekto mula sa Kapamilya
Dingdong, marami pang proyekto mula sa Kapamilya

Dingdong, marami pang proyekto mula sa Kapamilya

MAGANDA ang takbo ng karera ni Dingdong Dantes sa ABS-CBN base sa mga proyektong nagawa niya rito.

Sa mga naging kasamahan nito sa pelikulang Seven Sundays tulad nina Aga Muhlach, Enrique Gil, Cristine Reyes, tanging si Dingdong  ang nakalusot para mabigyan ng Pinakapasadong Aktor sa Gawad Pasado  at kahit hindi nanalo sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ay nominated din siya sa pagka-Best Actor.

Ayon sa aktor, kailangan nito ang ganitong publisidad na magagamit  sakaling ituloy ang ambisyong politikal.

Tiyak madalas siyang mapapanood sa Kapamilya shows dahil sa promotion ng kanilang pelikula ni Anne Curtis, ang Sid & Aya na hindi nagagawa ng aktor sa kanyang home studio kahit siya pa ang bida ng pelikula.

Sa ganitong pangyayari, hindi na nakapagtataka na pag-isipan siyang may planong mag-ober da bakod.  Kahit sabihing maaga pa sa kanyang ambisyong politika, baka baka maisipan na nitong lumipat.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved