Categories: News

2 Chinese nat’l patay sa ambush sa Maynila

Share

PATAY ang dalawang Chinese nation­al makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na lulan ng dala­wang motorsiklo, ang sinasakyan ni­lang kotse sa Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa kanto ng Roxas Boulevard at Pedro Gil street.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang nasa passenger seat na kinilalang si Huocheng Chen.

Habang ang driver ng kotse na kinilalang si Chen Weishing Lee, ay naisu­god pa sa ospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa isang testigo, dalawang motorsiklong may lulang tig-dalawang lalaki, ang lumapit sa kotse ng mga biktima habang naka-stoplight. Pagkaraan ay pinagba­baril ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek maka­raan ang pamamaril.

Patuloy na iniimbes­tigahan ng mga awtori­dad ang insidente.

HATAW News Team

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Takaw aksidente si Janine Gutierrez?

NAGKAROON ng minor head injury si Janine Gutierrez habang tini-tape ang fight scene para sa Dragon Lady nitong last Friday… Read More

13 hours ago

Nick Vera Perez, naiiba!

He is already in his mid-forties but Nick Vera Perez doesn’t have any plans of setting down. Nalilibang kasi siya… Read More

13 hours ago

Iza Calzado, producer na

MATAGAL na palang pangarap o plano ng aktres na si Iza Calzado ang mag-produce ng pelikula. Noon pa man, nagtatanong-tanong… Read More

13 hours ago

Nick, makikipag-colab kina Martin at Ogie

FOR 30 years, nagtatrabaho na si Rozz Daniels sa Amerika. Now, she had the chance to be back in the… Read More

13 hours ago

Aicelle, hinangaan sa Beijing, China

ISANG malakas na hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa Kapuso Pinay International Theater Actress na si Aicelle Santos nang awitin … Read More

13 hours ago

Indie actor, frontliner sa Bida Man

HINDI na bago sa showbiz ang isa sa Bida Man candidate na si Jay L Dizon na minsan na ring… Read More

13 hours ago