Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kenneth Snell, hihigitan ang paghuhubad ni Nathalie Hart
Kenneth Snell, hihigitan ang paghuhubad ni Nathalie Hart

Kenneth Snell, hihigitan ang paghuhubad ni Nathalie Hart

NAKABABATANG kapatid ni Nathalie Hart ang isa sa 34 kandidato sa Mister Grand Philippines 2018, siKenneth Snell na pambato ng Laguna.

Ani Kenneth, kahit artista na at may pangalan ang kapatid na si Nathalie, mas gusto niyang gumawa ng sariling lakad o pangalan. ”Through this pageant, ito ang magiging stepping stone ko kumbaga dahil kilalang-kilala naman ito sa buong mundo lalo na sa Pilipinas. Ang mai-represent ko sa ibang bansa ang Pilipinas, napakalaking honor sa akin.”

Itong Mister Grand Philippines ang ikatlong pageant na sinalihan ni Kenneth. Ang una na itinanghal siyang 4thrunner-up ay sa Ginoong Laguna 2018 at ang ikalawa naman na hindi siya pinalad ay sa Mr and Miss Hannah’s World Tourism Philippines 2018.

Pagkukuwento ni Kenneth, si Nathalie ang nagpu-push sa kanya para sumali sa mga pageant. ”Sabi niya sumali ako dahil marami akong matututuhan at malaking opportunity sa akin. Bukod sa maraming makikilala na puwedeng makatulong sa akin balang araw.”

Sinu­suportahan din siya ni Nathalie financially bukod sa mga tip kung paano niya mapagwawagian ang isang timpalak paguwapuhan. ”I’m so blessed na andyan ang ate ko na laging nakasuporta sa akin,” giit pa ni Kenneth.

READ MORE:  Dingdong, umaasang si Marian na ang ‘the one’

Hindi naman itinanggi ni Kenneth na pangarap din niyang maging artista. ”Gusto ko sanang maging action star dahil mahilig ako sa baril. Ayoko namang gamitin ang connection ng ate ko dahil busy siya at maraming projects.”

Supportive rin siya sa anumang ginagawa ni Nathalie. Actually siya ang kasa-kasama nito at ine-enjoy niya iyon.”Tuwang-tuwa ako kasi sobrang nag-boom ang career niya.”

Giit pa ni Kenneth, kaya rin niyang gawin ang pagpapa-seksing ginagawa ni Nathalie. ”Oo naman, sobra pa!”giit ng 24-anyos na binata. ”Kaya ko pong gawin ang lahat, basta marangal at makikita ng tao na maganda tingnan.”

Kahit nga ang pagpapakita ng butt ay madali lang sa kanya. ”Easy lang ‘yan (butt exposure). Maning-mani lang. ‘Yung frontal nudity eh puwede namang mapag-usapan.”

Ganoon ka-confident si Kenneth sa katawan niya dahil kahit hindi pa siya kontisero ay lagi siyang nagwo-work-out, kumakain ng masusustansiya, at inaalagaan ang katawan.

READ MORE:  Sumisikat na director, gayun na lang pulaan nang walang project na direktor
READ MORE:  Harry Roque, iiwan si Duterte ‘pag kinuha sa FPJ’s Ang Probinsyano

Samantala, sa June 2 ang Grand Finale ng Mister Grand Philippines 2018 na gaganapin sa Crossroad Center. Tatlong titulo ang pagwawagian, ito ay ang Mister Grand International, Manila Philippines na ilalaban sa September 2018; Mister Model of the World 2018 sa Yangon, Myanmar sa August 2018 ilalaban, at Mister Tourism Ambassador International 2018 sa Kota Kinabalu, Malaysia sa October 2018.

Ang Mister Grand Philippines 2018 ay handog ng Mega Models Events and Talent Management kasama ang Pascual Group of Companies. Ang National Director at President ng Mister Grand Philippines ay si Meg Perez.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved