Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dalagita nahulog mula 9/f nalasog (Payong ginawang parachute)
Dalagita nahulog mula 9/f nalasog (Payong ginawang parachute)

Dalagita nahulog mula 9/f nalasog (Payong ginawang parachute)

BINAWIAN ng buhay ang isang dalagita nang mahulog mula sa ikasi­yam palapag ng isang condominium building sa Brgy. Paligsahan, Quezon City, nitong Sabado.

Ayon sa Quezon City police, posibleng tumalon ang 13-anyos dalagita mula sa gusaling kanilang tinitirahan.

Batay sa imbesti­gas­yon ng pulisya, walang dahilan o problema ang dalagita para tumalon.

Posible raw na-cu­rious lang ang babae dahil nahulog itong may hawak na payong, na ayon sa pulisya ay maaaring gina­mit bilang parachute.

Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga magulang, partikular ang mga nakatira sa mata­taas na gusali, na banta­yan maigi ang kanilang mga anak para maiwasan ang kagayang insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved