Friday , May 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Kagawad sa Laguna todas sa tambang (Dahil sa STL?)
Kagawad sa Laguna todas sa tambang (Dahil sa STL?)

Kagawad sa Laguna todas sa tambang (Dahil sa STL?)

BINAWIAN ng buhay ang isang barangay kaga­wad makaraan pagbaba­rilin ng hindi kilalang sus­pek sa Biñan City, Lagu­na, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima bilang si Joselito Marfori, newly elected barangay councilor sa Brgy. Casile, Biñan.

Nabatid sa imbes­ti­gasyon, naghihintay si Marfori sa labas ng Small Town Lottery (STL) office sa Dr. A. Gonzales Street, Brgy. San Jose nang bigla siyang nilapitan ng isang lalaki saka pinagbabaril.

Pagkaraan, naglakad ang gunman palayo sa crime scene at sumakay sa getaway motorcycle.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi umabot nang buhay.

Anim na basyo ng bala at tatlong deformed bullets ang narekober sa crime scene.

Ayon kay Luzvi­min­da Marfori, asawa ng biktima, ang kaniyang mister ang itinalagang mamahala sa STL sa lugar. Ito ang hinala ni­yang motibo sa pagpas­lang sa asawa.

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top