Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 Pasay prosecutors sinuspende ng DoJ (Suspected smugglers pinalaya)
3 Pasay prosecutors sinuspende ng DoJ (Suspected smugglers pinalaya)

3 Pasay prosecutors sinuspende ng DoJ (Suspected smugglers pinalaya)

INIUTOS ng Department of Justice nitong Linggo ang 60-day preventive suspension laban sa tatlong prosecutor ng Pasay City na nagpahintulot sa pagpa­pa­laya sa mga suspek na sangkot sa smuggling incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong 5 Mayo.

Iniutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang sus­pensiyon kina City Prosecutor Benjamin Lanto, Assistant State Prosecutor-Inquest Prosecutor Florencio Dela Cruz, at As­sociate Prosecution Attorney I Clementine Villanueva dahil sa umano’y “gross neglect of duty, gross incompetence, and inefficiency.” Ang order ay may petsang 21 Mayo.

Sinabi ni Guevarra, iniutos ng nabanggit na mga prosecutor ang pagpapalaya kay NAIA Customs Operations Officer V Lomontod Macabando at mag-asawang sina Abraham Mim­balawag at Bang-sa Mimba­lawag, na umano’y tangkang mag-smuggle ng 1.9 kilograms ng gold jewelry sa bansa, sa kabila ng mga ebidensiya laban sa kanila. Ang tatlong pro­secutors ay inatasang maghain ng kani-kanilang beripikadong tugon, gayondin ang kanilang affidavit of witnesses at docu­mentary evidence, sampung araw ma­karaan matanggap ang suspen­sion order.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved