Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, bumalik sa pagkabata
Sylvia, bumalik sa pagkabata

Sylvia, bumalik sa pagkabata

SA Hongkong nagdiwang ng kaarawan si Sylvia Sanchez kasama ang mga anak na sina Arjo at Xavi, asawang si Art Atayde at ilang kaibigan  dahil na rin sa may event siya roon.

Binuksan kasi sa Hongkong ang kauna-unahang branch ng Beautederm na pag-aari n ng CEO/President na si Rei Anicoche-Tan.

Bukod sa kanyang family, kasama rin ni Sylvia ang mga co-Ambassador ng Beautederm na sina Matt Evans at anak na si Arjo para naman sa coronation ng Bb. San Juan at Ginoong Makisig Hongkong 2018.

Ayon kay Sylvia, ”Forty seven years old na ako, gusto ko namang maramdamang maging bata ulit. Ha ha ha! Sasakay ako sa rides sa Disneyland at doon na rin kami magdi-dinner.”

Post naman nito sa kanyang FB account, ”Yesterday, we flew to HK for Beautederm’s Binibining San Juan at Ginoong Makisig event. Before working, we decided to celebrate my birthday in Disneyland. Ang saya bumalik sa pagkabata at ang sarap mag relax. Simple Lang…Pero ito ang gusto ko — a good laugh and great conversation with even greater company. I missed @ria and @ataydegela who stayed behind for work and dance in Manila but that aside, it was indeed a very happy birthday.”

Hindi nga nakasama ang dalawa pang anak ni Sylvia sa kanilang Hongkong trip na sina Ria na may taping ngWansapanataym at Gela na may rehearsal naman ng sayaw kasama ng kanyang grupo dahil nakatakda itong lumaban muli sa ibang bansa.

READ MORE:  Alessandra, ‘di totoong tinanggihan si Direk Mike de Leon
READ MORE:  Coco, tinambakan agad sa ratings si Dingdong

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved