Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jameson at Janella, ‘di na kailangang mag-effort para makita ang chemistry
Jameson at Janella, ‘di na kailangang mag-effort para makita ang chemistry

Jameson at Janella, ‘di na kailangang mag-effort para makita ang chemistry

NANINIWALA si Hashtag Jameson Blake na makare-relate ang mga kabataan sa pelikula nila ni Janella Salvador, ang So Connected na hatid ng Regal Entertain­ment dahil maganda ang istorya nito at pang-millennial.

Aniya, sana ay makita ng mga manonood ang chemistry nilang dalawa/ ”I met her sa set. Nakita ko na may chemistry, ‘yung feeling na ‘di kailangan mag-exert ng effort, kusang lumalabas, that’s what I noticed.”

Maaalalang noong nagsisimula pa lang sa showbiz si Jameson ay very vocal sa pagsasabing crush niya ang dalaga kaya nang tanungin kung kumusta ang unang pagkikita nila, sinabi nitong, ”More than I expected. She was really approachable and nice to talk to. Nagkuwentuhan kami. I got along with her.”

Kabituin din nina Jameson at Janella sa So Connected si­na Paulo AngelesKrystal Brimner, Cherise Castro, Ruby Rodriguez, at Rolando Inocencio, directed by Jason Paul Laxamana. Showing na ito sa mga sinehan simula ngayong araw, May 23.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved