Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Konsiyerto ni Justin Lee, matagumpay na nairaos
Konsiyerto ni Justin Lee, matagumpay na nairaos

Konsiyerto ni Justin Lee, matagumpay na nairaos

MATAGUMPAY ang katatapos na konsiyerto ng Gawad Kabataan Ambassador/singer/host/actor na si Justin Lee, ang All about Me Concert na ginanap sa  SM North Edsa Skydome, noong Martes, 7:00 p.m., prodyus ng SMAC TV Productions.

Special guests ni Lee ang dating Battalion member at ngayo’y Viva artist na si John Roa, ang The Voice Kids na si  Francis Lim, kasama ang mga SMAC talents na sina Mateo San Juan, VMiguel Gonzales, at Isiah Tiglao, ang Iconic Singer na si DJ Alvaro, at ang Starmagic talent na si Khalil Ramos.

Sumuporta rin at naging front act ang Be Happy Go Lucky hosts na sina Supremo ng Dance Floor Klinton Start, PGT semi finalist Jervy Delos Reyes, singer/commercial model/actor Ron Mclean, Ivory recording artist Rayantha Leigh, Angelia Orna, at Viva artists Kikay at Mikay.

Dumating din at nag-perform ang mga boarder ng Dormitory Academy na sina JB Paguio, JM Agaps, Rish Ramos, Joshua Malaluan, at Sceven Nolasco, ang Sing Like A Pro winner na si Andrei Tamura at ang mga runner up na sina Airick Habijan at Irene Solevilla at ang leading lading ni Justin sa online serye na Block Authority na si Jayla Villaruel. 

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved