Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shamcey, ‘di na hirap sa paglilihi (sa ikalawang pagbubuntis)
Shamcey, ‘di na hirap sa paglilihi (sa ikalawang pagbubuntis)

Shamcey, ‘di na hirap sa paglilihi (sa ikalawang pagbubuntis)

SUNOD-SUNOD ang blessings kina Shamcey Supsup at mister niyang si Lloyd Lee. Bukod sa opening ng bago nilang restaurant na Scott Burger ay nagdadalantao na si Shamcey!

Mismong si Shamcey ang nagbalita sa amin na apat na buwan siyang buntis!

Nakausap namin ang 2011 Miss Universe 3rd runner up sa opening at blessing ng bagong restaurant nila ni Lloyd, ang Scott Burger by PNC (Pedro ‘N Coi) sa 2nd floor ng Uptown Mall sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ang Pedro ‘N Coi ay ang unang negosyong binuksan ng mag-asawa a few years back na isang Filipino restaurant.

Ayon pa kay Shamcey, kahit alam na nila na boy ang magiging baby niya ay ayaw muna nilang magsiguro ni Lloyd.

“Next week pa kasi ang ultrasound but…. ayoko kasing pangunahan, kasi before namali ‘yung sa kanya eh, sabi boy tapos girl.”

READ MORE:  Vice Ganda, babaeng-babae sa cover ng isang magasin

Ang una kasing ultrasound sa panganay nilang si Nyke ay boy pero babae pala ito na two years and four months old ngayon.

“Kaya gusto ko munang hintayin until sure talaga.”

Hindi naman nila pinlano na dalawang taon ang pagitan ng kanilang mga anak.

“Hindi naman sobra. ‘Yung kay Nyke planado, ‘yung ngayon ano lang naman parang, I said, puwede na, parang the right time na, pero hindi talaga pinlano to get pregnant as soon… and we found out about the pregnancy when we were in Quebec, and it was on Valentine’s Day.”

Nagbabakasyon sila sa naturang lugar sa Canada noong nalaman nila na buntis si Shamcey.

Malaki ang pagkakaiba ng pagbubuntis niya noon at ngayon.

“’Yung sa kanya (panganay) kasi, pumayat ako, like I lost ten pounds? Noong sa kanya talaga hindi ako makakain, I was like throwing up all the time.”

READ MORE:  Aktres, ‘di nakapasa sa audition sa ibang bansa

Ngayon naman ay kain siya ng kain.

“As in! I was comparing ‘yung photos ko during my fourth month noong time niya (Nyke) at ngayon, ang layo ng tiyan ko. As in sabi ko kay Lloyd, ‘Parang six months na itong tiyan ko sa pregnancy ko sa kanya, ah?’

“Parang ngayon ahead ako ng ano…”

Hindi naman kambal ang ipinagbubuntis niya ngayon.

“Hindi naman tsinek na, isa lang,” at tumawa si Shamcey. “Isa lang siya.”

Alam ni Nyke na buntis ang mommy niya; Baby Peanut ang tawag nito sa nasa tiyan ni Shamcey.

Samantala, doble ang okasyon that day, May 16, 32nd birthday ni Shamcey at eksaktong pitong taon mula noong nagkakilala sila.

“We met on my birthday, May 16, 2011 so seven years since we met today.”

May birthday party si Shamcey seven years ago at isang common friend nila ang nagsama kay Lloyd sa party at doon sila unang nagkakilala.

READ MORE:  Pagpapakita ng abs ni Joseph, walang malisya

“Si Scott has a sister, Carol. Si Carol joined in Binibining Pilipinas during my time, so si Carol ‘yung nag-invite kay Lloyd noong birthday ko.

“Si Carol at saka si Scott, magkapatid.”

Kay Scott na pinsan ni Lloyd kinuha ang pangalan ng sumikat dati na Scott Burger kiosks; ang pamilya ng tiyuhin at pinsan ni Lloyd ang may-ari ng unang Scott Burger business, na ngayon ay itinuloy naman nina Lloyd at Shamcey via a restaurant.

Ano ang birthday gift ni Lloyd kay Shamcey?

“Naku hindi uso sa amin ang material things, eh. Actually, sa umaga ‘yung kakantahan ka niya, kakantahan ka niya ng happy birthday tapos sasabihin niya, ‘O kakain tayo.’

“Ako pagkain lang masaya na ako,” at tumawa si Shamcey.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved