Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)
School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)

School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)

LIBMANAN, Cama­rines Sur – Dalawa ang patay habang 11 ang sugatan nang magka­rambola ang apat sasak­yan sa bayang ito, nitong madaling-araw ng Martes.

Sa imbestigasyon ng pulis, nag-overtake ang isang Toyota Avanza na papuntang Naga sa Ford Everest ngunit nakasa­lubong nito ang Tripolds Bus papuntang Maynila.

READ MORE:   Jeepney barker sugatan sa boga ng TV tecnician

Isang truck ang na­damay sa karambola ngunit walang nasaktan sa mga sakay nito.

Pagkabig ng bus pakanan, tiyempong padating ang Philtranco at naipit ng dalawang bus ang Ford.

Limang sakay ng Ford ang isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival si Leoncia Mangarin, 58, principal ng pampublikong elemen­tarya sa Libmanan.

READ MORE:  Senate hearing ‘di sinipot ng mag-amang binay

Dadalo si Mangarin sa meeting para sa paghahanda ng Brigada Eskwela sa susunod na Linggo.

Isinugod sa ospital ang mag-asawang sakay ng Avanza. Isang Swiss national ang sugatan, habang taga-bayan ng Pili, Camarines Sur ang asawa niyang si Ronel Peña.

READ MORE:  Sundalo patay, 11 sugatan sa atake ng NPA sa Bukidnon

Binawian ng buhay si Peña sa ospital. Ligtas ang siyam-buwan gulang na sanggol ng mag-asa­wa.

Apat pang pasahero ng Philtranco bus ang nakalabas na sa paga­mu­tan.

Patuloy na pinagha­hanap ng mga awtoridad ang driver ng Tripolds bus.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved