Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Karla, naiyak nang pag-usapan ng KathNiel ang kasal 
Karla, naiyak nang pag-usapan ng KathNiel ang kasal 

Karla, naiyak nang pag-usapan ng KathNiel ang kasal 

SAMANTALA, ayon sa producer ng Arctic Sky Productions na si Dennis Aguirre, plano niyang gawing franchise ito kapag nag-click.

“’Di ba ang ‘Tanging Ina,’ kay Ai Ai de las Alas iyon, ang ‘Kimmy Dora’ is for Uge (Eugene Domingo), so itong ‘Familia BlandINA’ is for Karla, ganoon sana ang plano ko at Star Cinema ang distributor ko sa lahat,” saad ni Dennis.

READ MORE:  Yayo, grateful sa Cinemalaya dahil sa mga makabuluhang project

May cameo role rin sina  Daniel  Padilla at Kathryn Bernardo  sa Familia BlandINA na ikinaiyak ni Karla.

“Eh kasi pinag-uusapan nila ang kasal, masyado pa kasing maaga, mga bata pa sila, 23 lang si DJ, sabi ko sa kanya 35 years old na siya magpakasal para talagang handang-handa na siya, para sa akin iyon. Pero siyempre, siya (Daniel) pa rin naman ang masusunod, ‘di ba?”

Pero boto na si Karla kay Kathryn, ”ay oo naman, hindi kasi kilala ng lahat si Kathryn, tahimik lang kasi ‘yun so akala ng iba suplada o snobbish, pero ang totoo, sobrang kulit niyon, maingay. At saka magugustuhan ba siya ni Daniel kung hindi maganda ugali niya, eh, si DJ pa?”

Kung masusunod ang timeline nina direk Jerry at Dennis ay sa Hulyo ang plano nilang ipalabas ang Familia BlandINA.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved