Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Domino effect ng TRAIN babantayan
Domino effect ng TRAIN babantayan

Domino effect ng TRAIN babantayan

NANINIWALA si Sena­dora Grace Poe na dapat malaman ng publiko at ng Senado ang domino effect nang ipinatutupad na Tax Reform on Acceleration and Inclusion ( TRAIN) law sa public services.

Ayon kay Poe, naka­tanggap siya ng reklamo sa mga residente ng Iloilo hinggil sa sobrang taas ng singil sa koryente dahil aniya sa epekto ng TRAIN law.

Bukod dito, ang pag­taas ng presyo ng gasolina na epekto rin ng nasabing batas na idinadaing ng jeepney operators at mga driver.

Nakatakdang magsa­ga­wa si Poe ng pagdinig sa darating na Biyernes sa Iloilo ukol sa naturang isyu.

Ngunit inamin ni Poe na ang isasagawang pag­dinig ay hindi nanganga­hulugan ng kanyang pa­na­wagan para sa pagsu­suspende ng ilang aspekto sa TRAIN law tulad ng panawagan ng ilang senador.

Dagdag ni Poe, kanya munang titingnan sa isasagawang pagdinig kung anong batas ang dapat gawin ng Kongreso para malutas ang pagta­as ng singil sa koryente sa Iloilo at sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng TRAIN Law.

(CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved