Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Anong nangyari sa mga ‘bakwit’ ng Marawi?
Anong nangyari sa mga ‘bakwit’ ng Marawi?

Anong nangyari sa mga ‘bakwit’ ng Marawi?

ISANG taon na ang nakalilipas nang sakupin ng Islamic State inspired na Maute group ang Marawi City, at nalagay sa matinding pagsubok ang buong lungsod; nawalan ng tirahan at kabuhayan ang mamamayan doon, at higit sa lahat marami ang nawalan ng mga magulang, anak, at mga mahal sa buhay dahil sa tindi ng epekto ng gerang idinulot nito.

Ilang buwan din nanalasa ang Maute group sa Marawi City at tumagal din ang bakbakan bago tuluyang nabawi ng pama­halaan ang siyudad mula sa mga terorista. Natapos na ang gera at kabi-kabila ang mga pangako na muling ititindig ang Marawi City.

READ MORE:  Ihalal sa konseho si Ding Santos sa Pasay

Ang kaso, ilang buwan na ang nakalilipas mula nang matapos ang gera, ay puro salita pa rin ang naririnig at walang makitang aktuwal na pagkilos para muling ibangon ang Marawi. Ang tanging konsuwelo na lamang siguro ng mga pamilyang biktima ng Marawi siege ay nang payagan silang makabalik sa lungsod at masilip ang kani-kanilang mga tahanan at kung may maaari pang maisalba ay pinayagan silang kunin ito.

READ MORE:  Dynamic duo ng kabulastugan

Bilyong piso ang inilalatag para sa muling development ng Marawi City, pero marami pa ring mamamayan ng lungsod ang hindi talaga alam kung ano ba talaga ang plano sa kanila ng pamahalaan.

Ayaw nilang matulad sila sa mga bakwit ng Tacloban na biktima ng bagyong Yolanda na ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nabibigyan ng maayos na matitirahan, hindi alam kung ano ba talaga ang plano sa kanila ng pamahalaan sa kabila ng napakaraming pondo at ayudang ibinigay sa gobyerno para sa rehabilitasyon ng kanilang lugar.

READ MORE:  Petisyon ni Sen. Trillanes na ipatigil ang K-12 program dapat natin suportahan

Huwag naman sanang bumilang ng maraming taon ang mga biktima ng Marawi siege bago sila makabangon at makabalik sa normal na pamumuhay. Sana lang ay magampanan nang maayos ng gobyerno ang trabaho para sa muling pagtindig ng Marawi.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved